Sara

Singing champs iba-iba na ang buhay

January 23, 2023 Aster Amoyo 453 views

IBINAHAGI ng tinaguriang `Prince of Pop’ na si Erik Santos ang picture nila ng kanyang kapwa singing champions na sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go whose friendship dates back twenty years ago

“Twenty years of friendship,” caption niya sa kanilang picture together sa kanyang Instagram account.

Nabuo ang pagkakaibigan nina Erik, Sarah at Rachelle (along with Mark Bautista and Christian Bautista) nang sumali sila sa magkakaibang reality singing competitions kung saan sila tinanghal na grand champions.

Si Erik ang kauna-unahang grand winner ng “Star In A Million” in 2004, si Sarah sa “Star for A Night” nung 2003 habang si Rachelle Ann sa “Search for A Star” in 2004.

Si Christian ang 4th placer sa “Star In A Million” kung saan si Erik ang grand winner habang si Mark naman ang runner-up kay Sarah sa “Star for A Night”.

It was Viva Live who thought of putting them all together in a major concert billed as “The Champions” held at the Big Dome (Araneta Coliseum) na sinundan ng kanilang successful US concert tour.

Individually, malayo na ang narating nina Erik, Sarah at Rachelle Ann maging ang iba pa nilang mgakasama na sina Christian at Mark.

Sina Erik at Sarah ay parehong mainstay sa long-running musical variety show na “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN habang si Rachelle Ann evolved as an international stage musical artist na kanyang sinimulan sa re-staging ng “Miss Saigon” sa West End in London na sinundan sa Broadway. She is now based in London kasama ang kanyang American husband na si Martin Spies and their eldest son Lukas and another one coming up.

Sarah now considered Philippines’ Pop Superstar is married to Fil-Italian singer, actor, host, athlete and entrepreneur Matteo Guidicelli habang si Erik ay nananatiling single at 40, gayundin si Mark.

Pero ang nakakatuwa sa tatlo, they make time for each other whenever their schedules permit.

Sarah and Erik were both present sa beach wedding nina Rachlle Ann and Martin in Boracay nung April 18, 2018.

Beautederm headquarters sa Pampanga binuksan na

SingingSinging1BeauteBeaute1Beaute2Beaute3Beaute4Beaute5Beaute6

MATAGUMPAY na pinasinayanan ang 7-storey corporate headquarters building ng Beautederm in Angeles City, Pampanga last Sunday, January 22 na itinaon sa celebration ng Chinese New Year. Ang naturang building ay resulta ng dugo’t pawis, sipag at tiyaga ng founder, president & CEO na si Rhea Anicoche-Tan na sinimulan ang kumpanya more than a decade ago.

A perfect marketing and a very hands-on PR person, Rhea inched her way up to success dahil na rin sa tulong ng mga taong naniniwala at patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang mga adhikain sa buhay.

Now with over 70 (nearing 80) popular brand ambassadors and almost 200 stores and distributors nationwide and abroad, Rhea never stops fulfilling her dreams.

“My personal goal is not only for myself and my family kundi para sa maraming tao na natutulungan at nabibigyan ng opportunity na mabigyan ng hanapbuhay,” simpleng pahayag ni Rhea na hanggang ngayon ay abot na abot pa rin ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera (two of the brand ambassadors of Beautederm) ang nanguna sa ribbon-cutting na dinaluhan din ng iba pang celebrity endorsers ng beauty line na sina JC Santos, Zeinab Harake, Jelai Andres, Buboy Villar at iba pa. Namataan din namin doon ang isa sa mga top bosses ng APT Entertainment, ang TV & movie director na si Mike Tuviera, talent manager na si Perry Lansigan at iba pa.

Lahat ng dumalo sa grand opening ng Beautederm corporate headquarters at namangha sa sobrang ganda ng lugar mula sa ground floor – reception and Beautederm Beanery, clinics, executive offices, at iba pa. Hindi nakaligtas sa amin ang A-List Avenue kung saan matatagpuan ang mga branded items (for sale) both brand new and pre-owned. Maituturing na state of the art ang interiors and designs.

Bawat palapag ay may nakalagay na baul ng Louis Vuitton of different colors as center table na nagkakahalaga ng P4- to P5M ang isa.

Kahit ang mga dumalong celebrities sa grand opening ay namangha sa sobrang ganda ng interiors.

Kakaiba rin ang executive office ni Rhea na may sariling reception, conference area and her own `condo unit’ within the building gayundin ang kanyang mga anak.

Bukod sa mga branded items, makikit arin ang kanyang iba’t ibang expensive collection ng paintings and sculptures ng mga kilalang artists.

“Inipon ko sila for more than two years,” pagbabahagi pa ni Rhea who is also known for her genuine generosity.

Ang Beautederm ay isa na ngayon sa mga top beauty brands in the Philippines which include face to body skin care, body cosmetics, home and fragrances at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE