Cross

‘SIMBAHAN SCANDAL’

May 25, 2023 People's Tonight 273 views

ISANG umano’y scandal ang napipintong sumabog sa isang simbahan ng kilalang religious organization.

Nadismaya umano ang isang matagal nang kasapi ng simbahan sa ritwal ng nakasanayang pag-aalay umano ng magagandang batang mga babae sa nakalipas na panahon.

“Nahihinog na ang umano’y scandal sa simbahan lalo’t isang insider na ang sobrang dismayado sa pag-aalay ng mga batang babae. Isang open secret na ito doon,” kuwento ng isang mapagkakatiwalaang source.

Sinabi ng source na walang magawa ang mga magulang ng mga batang iniaalay umano para makapiling raw ng isang religious leader.

Ito umano ang kalooban ng kanilang pananampalataya.

Ayon sa impormante, kapalit umano ng pagpasok sa kaharian ng langit ay ang nasabing pag-aalay.

“Ang pagpasok sa kaharian ng langit kapalit ng puri at dangal,” anang source.

Nabatid sa source na marami na ring pumapalag sa umano’y pag-aalay.

“Noon pa man ay may mga pumapalag na kaya lamang nagbubulag-bulagan sila dahil sa sinasabing malakas na impluwensiya ng kanilang lider,” anang source.

“Siyempre marami rin talagang natatakot na lumabas upang ilantad ang katotohanan sa hindi magandang gawain ng kanilang lider,” dagdag nito.

AUTHOR PROFILE