Quiapo SIMBAHAN NG QUIAPO BANTAY SARADO – Bantay sarado ang harapan at paligid ng simbahan ng Quiapo ng mga kapulisan kabilang ang mga operatiba ng SWAT, Explosive Ordnance Division, K9 unit, DID, CIDU, INTEL, DPSB TMRU at Mobile Group. Ito’y ipinagutos ni Manila Police District Director PBGen. Leo ‘Paco’ Francisco para sa kapakanan ng mga deboto ng Itim na Nazareno. Kuha ni JON-JON REYES

Simbahan ng Quiapo 3 araw sarado, MPD naka-alerto

January 7, 2022 Jonjon Reyes 202 views

Mahigpit na ipinagutos nina National Capital Region Police Office Chief Police Maj. Gen. Vicente Danao Jr. at Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo ‘Paco’ Francisco ang pagpapatupad ng pagsasara ng simbahan ng Quiapo at paligid nito.

Isasara ang ilang pangunahing kalsada simula Biyernes ganap na alas 4 ng madaling araw bilang paghahanda sa kapisatahan ng Black Nazarene bagamat kanselado ngayong taon ang prosisyon o translacion.

Ayon kay Francisco, magtatalaga ito ng kanyang mga kapulisan na magbabantay sa mga kalye na sarado at wala munang papapasukin na magsisimba sa Quiapo upang maiwasan ang kumpulan at dikit-dikit sa nasabing simbahan dahil patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Nabanggit din ni Francisco ang mga kalye na posibleng isara na papasok at palabas ng area ng Quiapo sa Sta, Cruz, Maynila, sa traffic advisory ng MPD.

Sarado ang mga sumusunod na kalsada: southbound lane ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Quezon Bridge/Palanca, westbound lane ng Espana Blvd. mula P. Campa hanggang A. Mendoza.

Maging ang kahabaaan ng Evangelista St., mula Plaza San Juan hanggang C.M. Recto Ave. ay sarado. Ang kahabaan ng P. Paterno St., mula Quezon Blvd. hanggang Evangelista ay mananatiling sarado hanggang Linggo.

Ang kahabaan ng Carreido St., mula Rizal Ave. hanggang Plaza San Juan, maging kahabaan ng C. Palanaca St., mula Mc Arthur Bridge hanggang Quaipo ilalim (Quinta Market) ay sarado.

Gayundin ang kahabaan ng Bustos St., mula Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Avenue, northbound lane ng Rizal Avenue mula Carriedo hanggang C.M. Recto Avenue.

Maaari namang kumanan sa Fugoso St., kaliwa sa Rizal Avenue o Severino Reyes St., hanggang sa kanilang destinasyon ang lahat ng sasakyan na dumadaan ng Quezon Blvd. na galling ng A. Mendoza.

Lahat naman ng sasakyan na galling sa Quezon City na dadaan sa westbound lane ng Espana Blvd. ay dapat kumaliwa sa Nicanor Reyes St. (Morayta), kanan sa C.M. Recto Avenue, o kanan sa P. Campa St.., hanggang Fugoso St. patungo sa kanilang destinasyon.

Diretso naman sa Plaza Sta. Cruz patungong Dasmarinas St., hanggang sa kanilang paroronan ang mga sasakyan na mula sa Mc Arthur Bridge na nais dumaan sa C. Palanca St. o sa northbound lane ng Rizal Avenue.

Lahat naman ng behikulo na dadaan ng Evangelista St. ay dapat gumamit ng Sales St., hanggang C.M Recto Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.

Naka-antabay naman ang buong kapulisan maging ang Command Group para sa gaganaping pista ng Black Nazarene kabilang ang MPD Station 1 sa pamumuno ni PLt. Col. Cenon Vargas, MPD Station 2 sa pamumuno naman ni PLt. Col. Harry Lorenzo, at magsisilbing ground commander naman sina PLt. Col. John Guiagui at PMaj. Jervis Soriano ng MPD Station 3 at Plaza Miranda PCP dahil ito ay kanilang area of responsibility.

Naka full support din ang iba pang station ng Maynila kabilang ang MPD Station 4 sa pamumuno ni PLt. Col. Gene Licud, MPD Station 5 sa pamumuno ni Deonelle Brannon, MPD Station 6 ni PLt. Col. Orlando Mirando, MPD Station 7 ni PLt. Col. Robert Domingo, MPD Station 8 ni PLt. Col. Jonathan Rongavilla, MPD Station 9 ni PLt. Col. Rodel Borbe at MPD Station 10 ni PLt. Col. Dennis Villanueva Rodriguez.

Maging ang Binondo ay isasara din sa araw ng Linggo habang ginugunita ang kapyestahan ng Itim na Nazareno. Naka-alerto din sina MPD Station 11 head PLt. Col. Magno Gallora Jr., MPD Station 12 ni PLt. Col. Doles, MPD Station 13 ni PLt. Col. Cristito Acohon at MPD Station 14 ni PLt. Col. Ramon Nazario.

Ang pagsasara ng mga kalsada sa paligid ng Quiapo ay dahil sa inaasahang pagdudulot pa rin ng trapiko sa lugar kung saan posibleng marami pa rin ang magbabalak na magtungo sa Quaipo bilang taunang tradisyon ng mga Pilipinong deboto ng Black Nazarene. Nina JON-JON REYES & C.J ALIÑO

AUTHOR PROFILE