Default Thumbnail

Sikyu tiklo sa ‘pekeng’ lisensiya, panunuhol sa checkpoint

August 27, 2022 People's Tonight 306 views

SIR pagbigyan mo na ako eto pangmeryenda mo” ito ang sinabi ng isang 25-anyos na security guard nang iabot nito ang P500 na suhol makaraang mabuking na “peke” ang lisensiya nito sa pagmamaneho sa inilatag na checkpoint operation sa Ramon Magsaysay Boulevard sa ilalim ng tulay ng Nagtahan. Sta. Mesa, Maynila, nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni P/Lt. Col. Dionelle Brannon, station commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Mesa Police Station 8 ang suspek na sikyu, binata at residente ng Sitio Pantayen, Barangay Dolores, Taytay Rizal.

Base sa ulat ni P/Lt. Leonardo Rolan So, block commander ng Bacood Police Community Precinct 2, bandang 11:00 ng tanghali nang masita nila ang suspek sa inilatag nilang checkpoint sa nasabing lugar.

Nakasuot naman ito ng helmet, lulan ng isang Yamaha Mio 125 CC pero nagduda si So dahil sa lisensiya nito.

Gayunman, bukod pa sa driver’s license, tinitingnan ng mga awtoridad kung peke din ang dokumento ng sasakyan.

Dahil dito agad na nagsalita ang sikyu na magbibigay siya umano ng “pangmeryenda”.

Salaysay ni suspek, nagbigay umano ito ng P10,000 para makakuha ng lisensiya, pero hindi na rin ito pinagbigyan sa kanyang mga alibi.

Tuluyang inaresto ang sikyu at nahaharap sa paglabag sa Article 212 Corruption of Public Official at Art. 172 Falsification by Private Individual and Use of Falsified Document.

AUTHOR PROFILE