Crime

Sikyu bumili ng ulam, pinakain ng bala, dedo

September 11, 2023 People's Tonight 462 views

HINDI na umabot ng hapunan ang isang security guard matapos barilin sa mukha ng dalawang naka-motorsiklong suspek pagkatapos bumili ng ulam sa karinderya sa Quezon City Linggo ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente bago mag 7:00 ng gabi sa tapat ng Amira Manal Eatery sa Landargun St. kanto ng Guirayan St. Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Ayon sa pulisya bumibili ng ulam ang biktimang si Aaron Carreon, 43, kasama ang isang kaibigan sa nasabing karinderya.

Nakasakay na sa motorsiklo ang dalawa pabalik sa bahay para kumain nang masalubong ang dalawang naka-motorsiklong suspek.

Agad na binaril nang malapitan ng isa sa mga suspek ang biktima na tinamaan sa mukha. Hindi tinamaan ang kasama ng biktima.

AUTHOR PROFILE