Anne

Sikat na designers at personalidad, pinuri ang ‘fresh lumpia’ ni Anne

July 25, 2023 Vinia Vivar 207 views

Hindi apektado si Anne Curtis sa pang-ookray ng netizens sa pagkamahal-mahal at pagka-soyal-sosyal na gown niya sa GMA Gala 2023.

Anne wore a tube white gown from Yves Saint Laurent na diumano ay nagkakahalaga ng P300,000 sa mga reseller.

Pero may mga netizen na hindi ito nagustuhan at komento nga nila, parang wrapper ng fresh lumpia ang gown ni Anne.

Ang kantyaw pa nga ng iba, Yves Saint Lumpia ang kanyang suot.

Pinagtatawanan na lang ni Anne ang pang-ookray ng fans at tawanan nga sila nang tawanan nang mapag-usapan ito sa “It’s Showtime.”

Kantyaw ni Vice Ganda, “Wala siyang nahanap na outfit, ang nahanap niya, fresh lumpia.”

Tawa nang tawa si Anne at hirit niya, “Pero at least, fresh! Fresh lumpia!”

Hindi man nagustuhan ng iba ang ayos at gown ni Anne, puring-puri naman ito ng sikat na designers tulad nina Rajo Laurel at Michael Cinco, lalo na nga ang pag-channel ng aktres sa idolo niyang si Audrey Hepburn.

Maging ang mga sikat na personalidad na sina BJ Pascual, Tim Yap, Paolo Ballesteros at Aimee Song ay pinuri rin si Anne.

AUTHOR PROFILE