Guess

Sikat na aktres iwas pag-usapan ang controversial lovelife

June 19, 2024 Jun Nardo 212 views

PRESENTABLE ang isang sikat na aktres na kontrobersyal ang lovelife nang makaharap ang isang entertainment journalist bago ang interview proper.

Eh, umiwas na nga ang journalist na magtanong sa lovelife pero agad na nagpasabi ang aktres na huwag nang pag-usapan ‘yon. Kaya hindi na ‘yon tinanong ng journalist.

Kaso kumalat ‘yon. Naalala tuloy sa showbiz circle ang kuda nang kudang male celebrity kaugnay ng breakup niya kahit may bago na siyang girlfriend, huh!

Hay, ang mga artista na rin ang gumagawa ng dahilan para sila mapag-usapan lalo na kung may bago silang project na ipapalabas, huh!

CINDY DEDMA LANG SA ‘BANTAY’

CindyMAY tinatawag palang “bantay” ang beauty queen- turned-actress na si Cindy Miranda.

Napi-feel niya ang bantay niya kapag nasa bahay siya o kaya naman ay ‘pag may ginagawa at nag-iisa siya.

“Hindi ko alam at pinapansin nu’ng una. Pero isang friend ko ang nagsabi na may third eye ang nakakakita. Matanda raw ito pero hindi naman nakakatakot ang hitsura,” saad ni Cindy sa mediacon ng Viva movie niya na Kuman Thong.

May pagka-horror movie kasi ang Kuman Thong na ang ibig sabihin ay “golden young boy.”

Kasama ni Cindy sa cast ang Thai actor na si Max Hattapol at ang award-winning child star na si Althea Ruedas.

Nag-shoot sila sa Thailand at si Xian Lim ang director na humiga pa raw sa kalye upang ipakita ang eksanang gagawin ni Cindy.

Mapapanood sa sinehan sa July 3 ang Kuman Thong na first full-length film directorial job ni Xian.

AUTHOR PROFILE