Isko

Sigaw ng sambayanan: Isko ang naIS KO!

September 21, 2021 Francis Naguit 336 views

KARAMIHAN sa mga Pilipino ang naniniwala na ang magiging mabuti at maayos na susunod na lider ng bansa ay ang politiko na nagmula o nakaranas ng hirap sa kanyang buhay dahil sa kabila ng kanyang mga pagsubok ay nalagpasan niya ito dahil sa kanyang pagsusumikap, pagbigay respeto at pagmamalasakit sa kapwa.

Ito ang mga katangian na hinahanap ng sambayanang Pilipino sa mga kandidato ngayong darating na 2022 election kung saan hindi lingid sa kaalaman ng publiko ay naging matunog ang pangalan ni Yorme Isko Moreno Domagoso sa isa sa mga pagpipilian bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Una nang binanggit ni Yorme na ang kanyang buhay ay isang “open book” o naisapubliko na halos buong talambuhay niya. Nagsimula siyang magtrabaho bilang mangangalakal sa edad na sampung taon, magmaneho ng pedicab, kumain ng “batchoy” o mga tira-tirang pagkain na itinapon sa basurahan upang mairaos lamang at makatulong sa kanyang mga magulang.

Sa kabila nito ay hindi pinabayaan ni “Scott”, palayaw ni Yorme, ang kanyang pag-aaral hanggang Highschool kung saan nabigyan pa siya ng pagkilala dahil nanguna siya sa kanilang klase.

Nagsimulang makilala sa showbiz si Yorme makaraang madiskubre ito ng kilalang talent manager na si “Daddy Wowie” sa isang lamayan sa Tondo kung saan dito na nagbago ang takbo ng kanyang buhay.

Sa kabila nito ay hindi nakalimutan ni Domagoso na lumingon sa kanyang pinanggalingan. Nagkaroon siya ng interes na tumakbo sa politika upang magbigay serbisyo sa mga tao kung saan nanalo naman ito bilang Konsehal sa Distrito 1 sa Tondo.

Sa kanyang pagiging konsehal ay nakaranas siya ng pangungutya sa kapwa niya konsehal at natatandaan pa niya ang mga katagang “Artista lang yan kaya nanalo yan”

Hindi nagpatinag si Domagoso sa mga nanlait at nangmaliit sa kanya, sa halip ay muli siyang nag-aral sa bansa gayundin sa mga paaralan na kilala sa ibang bansa.

Dahil sa determinasyon, pagiging matuwid at makatwiran ni Domagoso ay natapos nito ang tatlong termino sa pagka-Konsehal, Bise Alkalde ng Maynila at ngayo’y Punong lungsod na kaya’t sa loob ng dalawang taon pa lamang ay wala itong sinayang na oportunidad upang makapagsilbi sa mga Manilenyo lalo na sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE