Sid

Sid, may frontal nudity at butt exposure scenes sa ‘Virgin Forest’

June 23, 2022 Vinia Vivar 3410 views

Ang frontal nudity ni Sid Lucero ang isa sa mga pinag-usapan matapos ang private screening ng pelikulang Virgin Forest mula sa direksyon ng premyadong si Brillante Mendoza.

Tatlong beses “nagpasilip” si Sid ng kanyang “junjun” habang naliligo sa waterfalls.

Although split second lang naman ito at tipong kapag kumurap ka ay hindi mo na makikita.

Bukod dito ay napakaraming scenes ng aktor na hubo’t hubad siya at kung ilang beses ding nagpakita ng kanyang butt plus may orgy scenes din siya sa anim na “diwata.”

After the screening ay kinuha ng press ang reaksyon ni Sid tungkol dito at ayon sa aktor ay very comfortable naman siya nang gawin ang maseselang eksenang ito.

“I really didn’t mind. Yeah, I just took it off, yeah! It’s a Brillante film. And, I mean, what would you do if you saw waterfalls in the middle of the forest?” ani Sid.

Dagdag pa niya, gusto niyang maging natural ang eksena na hindi na kailangang itago pa ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

“It’s about time and I think, Vivamax, being an online thing, is a good avenue for us to actually start opening up to the sexuality of things. It’s actually a normal thing,” he said.

“As I mentioned a while ago, when all of us were all naked in the waterfall, we just felt like kids again. It didn’t feel like I had a penis. I didn’t feel like it,” dagdag pa niya.

Inamin din ng magaling na aktor na hindi rin siya gumamit ng plaster sa kanyang nude scenes pati na rin sa mga love scene dahil hindi kumportable.

Asked kung ano ang reaksyon ng girlfriend niya na kasama rin niya sa screening that night, ani Sid, “Wala, ilang beses na niyang nakita ‘yan, eh,” sabay-tawa.

Okay lang din daw sa kanya kung makita ito ng kanyang anak na babae.

Aniya, “It’s about time we look at it as it is, okay? It’s a picture of people and this is what people do. And in this situation, this is what happened at this time.”

Ulit niya, “In my world, it’s really nothing.”

Hindi rin naman nagpatalbog ang iba pang cast ng Virgin Forest na sina Vince Rillon, Angeli Khang, Rob Guinto, Kat Dovey, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins at Micaella Raz dahil may kanya-kanya rin silang matitinding love scenes sa pelikula,

Streaming ang Virgin Forest simula ngayong Hunyo 24 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE