Si Sec Acuzar na ba ang sagot vs decades of squatting?

December 20, 2022 Allan L. Encarnacion 82 views

Allan EncarnacionSA mga susunod na taon, huwag kayong magugulat kung parang mga kabute na magsulputan ang daan-daang libong housing units sa inyong mga lokalidad mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Ngayon lang tayo nakakita ng Housing chief na para ring kabute na kahit saan ay makikita mong lumalagda ng mga kasunduan sa iba’t ibang lokal government para pasimulan ang six-year plan ng Marcos government para sa milyun-milyong pabahay.

Kahit araw ng Linggo ay nagtungo sa Camsur si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar para makipagkasundo kina GovernorLuigi Villafuerte at sa erpat nitong si Congressman Lray sa planong pagtatayo ng kauna-unahang Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino Program sa Bgy Concepcion , Naga City.

Alam ko may ganitong programa rin si Sec Acuzar sa Bacolod naman dahil ka-tandem niya si Mayior Albee Benitez para rin sa mga pabahaya sa lungsod. Si Mayor Albee ang nauna nating naringgan ng holistic approach kung paano reresolbahin ang housing backlogs sa bansa.

Kailan lang, inaprubahan na ng Pag-Ibig Funds sa pangunguna ni Acuzar ang P250 billion pondo para sa Pambansang Pabahay program ni Pangulong Marcos.

Sa pamamagitan ng pondo na ito at ng massive housing progran ng gobyerno, posibleng matugunan na ang 6.5 million housing backlogs na matagal na problema ng estado.

Pero nanawagan tayo kay Sec Acuzar na magkaroon safeguard ang housing programs na ito ng pamahalaan dahil maraming sindikato na ang sumira sa ganitong mga plano ng pamahalaan.

Una, dapat maliwanag na ang pabahay ay hindi libreng ibibigay sa mga mahihirap. Ang maliwanag dito, sobrang mura ng kailangang bayaran at lifetime na magiging pag-aari na ng sinomang makakakuha.

Hindi rin tama kasi na ibigay nang libre kasi iyon na nga ang naging problema sa mga nakaraan. Ibibigay ng pamahalaan tapos pauupahan or ibebenta ng mga beneficiaries tapos babalik sila sa pag-squat kung saan-saan. Ang ending, hahanapin na naman sila ng estado para bigyan ulit ng bagong bahay kaya paulit-ulit lang ang nangyayari.

Kung pagbabayarin sila, halimbawa ay P300 hanggang P3,000 isang buwan, magkakaroon sila ng obligasyon at totoong sense of ownership. Para ka lang umuupa ng bahay pero mapapasaiyo ang housing unit.

Kailangang maglabas ng malinaw na patakaran dito para rin hindi samantalahin ng mga may pera na bibili ng sampu hanggang singkuwentang unit para ipasa naman nila sa iba sa mas mataas na halaga.

Malaking bagay na magkaroon tayo ng katulad ni Sec Acuzar na alam ang pasikut-sikot ng housing program.

Kung si Acuzar na talaga ang sagot na matagal nang problema ng bansa sa squatting at pagkakalat ng ating mga kababayan kung saan-saan, aba’y maipapagtayo ko siya ng rebulto sa harap ng aming bahay at sasabitan ko ng sampaguita araw-araw!

Kapag nalutas ni Secretary Jerry ang squatting, nalutas na rin niya ang mataas na krimen, teenage pregnancy, pagbabara ng mga water ways, problema sa basura at pagkalat ng mga batang lansangan.

Good luck Super Jerry, ikaw na rin ang ipapalit namin kay Henry Cavill sa Superman kapag nagkataon!

allanpunglo@gmail.com