Guo Source: Senator Win Gatchalian

‘Si Guo Hua Ping ba si Mayor Alice Guo?’

June 18, 2024 PS Jun M. Sarmiento 246 views

SI Guo Hua Ping at si Mayor Alice Guo, iisang tao lamang?”

Ito ang makahulugan na tanong at isang palaisipan para kay Sen Sherwin Gatchalian kung saan ay sinabi nitong malakas ang kaniyang paniniwala na posibleng iisang tao lamang ang pangalan na ito na isinumite sa kanila ng ahensiya ng gobyerno na sinaliksik ng husto ang kanilang mga dokumento base na rin sa ibinigay na mga impormasyon ng kanilang pamilya na diumanoy pumasok ng bansa nuong Enero 12, 2003.

Sa isang text message ni Gatchalian sa mga reporter ng Senado, kinumpirma ng senador na mismong ang Board of Investment ang nagbigay sa kanila ng mga dokumento kung saan isinumite ng pamilya ni Guo ang kanilang aplikasyon sa ilalim ng Special Investors Resident Visa (SIRV) gayundin sa Bureau of Immigration, nuong 2023 kung kailan pumasok si Mayor Alice Guo kasama ang kanyang buong pamilya sa edad niyang 13-anyos.

Base sa parehong dokumento, nakasaad din dito na si Guo Hua Ping ay anak ng isang babae na may pangalan na si Lin Wenyi bilang tunay niyang ina.

Inamin ni Gatchalian na ang bagong mga dokumento na nasa kanilang pag iingat ay matibay na dokumento tatayo laban kay Mayor Guo lalo’t sa isasampang Quo Warranto na kaso laban sa kanya lalo’t ito ay nagmula sa isang ahensiya ng ating gobyerno.

Sa isinumite na dokumento ni Mayor sa kanyang na i file na Certificate of Candidacy (COC) sinabi niyang siya ay ipinanganak sa bansa sa lugar ng Tarlac city nuong July 12, 1986.

Taliwas ito sa sinasabi ng dokumento ng SIRV kung saan ay nakasaad ditong ang kanyang tunay na nationality ay Chinese citizen at siya ay ipinanganak sa Fujian, China nuong August 31, 1990.

Kinumpirma ni Gatchalian na marami pa silang ebidensiya ilalabas sa tamang panahon tungkol sa totoong pagkatao ni Mayor Guo at sakaling mapatunayan na tama at lehitimo ang mga nasabing dokumento ay paiiralin nila ang batas ayon sa hinihingi nito.