
Shower show
UMAWRA habang naliligo sa shower ang Vivamax actress nasi Christine Bermas.
Muling pinatunayan ng sexy star sa kanyang latest Instagram page na isa pa rin siya sa bombshell.
Pasabog ang kaseksihan niya sa mga ibinahaging larawan. Matatanaw sa perpekto niyang hubog na mahusay mambulabog ang kanyang alindog.
“You have five options, pick one,” maikling caption ni Christine sa kanyang post.
Nangamusta rin ang behind ni Christine sa post na paraiso para sa kanyang mga male fans.
Pasok na naman sa bucket list ng mga barako ang makasama siyang maligo.
Nag-fanboy ang mga netizens kay Christine. Binanggit nila na tagasubaybay sila ng mga pelikula nito at hinahangaan ang husay sa pag-arte ng Vivamax actress.
Sa comment section nga ay hindi lang mga Pinoy na followers ang pumuri sa karisma ng sexy star, maging ang ilang foreigners ay napahanga rin ni Christine.
Nakilala si Christine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Beyond the Sky (2022), Nightbird (2023) at Island of Desire (2022).