Manny Pacquiao

Showbiz personalities dumarami pa sa political arena

September 27, 2021 Aster Amoyo 223 views

HABANG papalapit ang araw ng October 8, 2021 na siyang itinakdang araw para sa filing of candidacy ng mga tatakbo sa 2022 national and location elections, isa-isang nagsu-surface ang mga kakandidato including showbiz personalities.

Ang boxing hero at senador na si Manny Pacquiao ay nag-deklara na ng kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo gayundin ang actor-politician at kasalukuyang mayor ng Maynila na si Francisco `Isko’ Moreno (Domagoso). Nag-deklara na rin ang singer-songwriter, record producer, actor-comedian, TV host na si Senate President Tito Sotto sa kanyang kandidatura sa pagka-Vice-President bilang ka-tandem ni Sen. Panfilo `Ping’ Lacson na siya namang tatakbo sa pagka-Pangulo ng bansa.

May ilang ‘nanligaw’ kay Sen. Grace Poe na kumandidato sa pagka-Vice-President including Mayor Isko Moreno pero ito’y kanyang tinanggihan bilang respeto sa kanyang mga kaibigang sina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto.

Ang Jukebox Queen at vice-governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin ay tatakbo sa pagka-gobernador sa nasabing probinsiya. Cousins Vico sotto (Pasig Mayor) at Gian Sotto (vice mayor of Quezon City) will seek reelection for the same positions. Balik sa pagkandidato sa pagka-governor ng Laguna ang actor-politician na si E.R. Ejercito gayundin ang kanyang misis na si Maita Ejercito bilang mayor ng Pagsanjan.

Aiko MelendezAng actress-politician na si Aiko Melendez ay kakandidato sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito ng Quezon City habang ang actor-politician na si Yul Servo (John Marvin C. Nieto in real life) ay tatakbo sa pagka-vice mayor ng Maynila.

EJ FalconAng ex-PBB: Teen Edition Plus big winner-turned actor na si Ejay Falcon ay kakandidato naman sa pagka-vice governor ng Oriental, Mindoro.

Muli namang tatakbo sa ikatlong term as Representative of Batangas 6th District si Vilma Santos-Recto. Si Vi ay nanilbihang three terms bilang mayor ng Lipa City at tatlong termino rin bilang governor ng Batangas bago siya tumakbo sa Kongreso na dalawang termino na niyang hawak.

Malamang na tumakbo pa rin sa pagka-mayor ng Bacoor, Cavite si Lani Mercado (Jesusa Hernandez-Bautista), at sa pagka-governor ng Cavite si Jolo Revilla dahil last term na niya bilang vice-governor ng nasabing lugar. Bago tumakbo sa pagka-senador, nanilbihan ding gobernador ng Cavite ang ama ni Jolo na si Sen. Bong Revilla, Jr.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang respective camps nina dating Quezon City mayor Herbert Bautista, Rizal Board Member Jestoni Alarcon at maging ang dating Board Member ng Quezon na si Gary Estrada (Ejercito).

Muling tatakbo sa Senado si dating Sen. Jinggoy Estrada. Reelectionist mayor naman ng Pola, Oriental, Mindoro ang dating aktres at movie producer na si Ina Alegre (Jennifer Cruz), ang misis ni Police Brigadier General Gilbert Cruz.

Samantala, huwag naman sanang gawing laro lamang ang public service. Kailangang preparado at well-equipped ang mga kakandidato sa papasuking posisyon at hindi `yung iaasa na lamang sa popularidad ang kanilang panalo kung saka-sakali.

StephanieStephanie bagong sexy star ng Viva

DAHIL sa tagumpay ng sexy-comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap na ipinalabas ng Vivamax nung January 29, 2021, nakatakdang simulan ng most in-demand Filipino director ang part 2 ng pelikula na muling pagsasamahan nina Rosanna Roces, Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at bagong karagdagan na si Lara Morena at mga baguhang sexy actresses.

Sa unang version ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” ay ipinakilala ang mga baguhang sexy actresses na sina AJ Raval (daughter of former action star Jeric Raval) at Rose Van Ginkle na pareho na ngayong certified sexy stars sa bakuran ng Viva. Sa part 2 ay may ipapakilalang mga bagong sexy actresses at kasama na rito ang pamangkin ni Lara Morena na si Stephanie Raz.

CindyDirek Roman pumirma ng 20-picture contract sa Viva

SINABI sa amin ng big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario, Jr. na nakapirma ng 20-picture contract sa Viva ang mahusay na director na si Roman Perez, Jr., ang director ng “Adan” launching movie nina Rhen Escano at dating beauty queen na si Cindy Miranda.

Although magu-oktubre pa lamang, tatlong pelikula na ang nagawa ni Direk Roman ang naipalabas sa Vivamax, ang local adaptation ng hit Korean movie na “The Housemaid” na pinagbidahan ni Kylie Verzosa at kung saan din tampok na mga bituin sina Albert Martinez, Jacklyn Jose, Alma Moreno at Louise de los Reyes at ang sexy-thriller movie na “Taya” na pinagbidahan naman nina Sean de Guzman, AJ Raval at Angeli Khang.

Palabas naman ngayong October 22 sa Vivamax ang sexy, heist thriller movie na “House Tour” na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna at Cindy Miranda. Kasama rin sa movie ang nagbabalik-showibz na si Liz Alindogan.

Bukod kay Direk Darryl Yap, si Direk Roman ay isa rin sa busiest directors sa bakuran ng Viva Films. Nariyan din sina Lawrence Fajardo, Yam Laranas, Prime Cruz at iba pa.

Samantala, marami-rami na rin ang naka-can na movie ang Viva na naghihintay na lamang ng theatrical release at kasama na rito ang local adaptation ng Korean action-thriller film na “A Hard Day” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla kasama sina Janno Gibbs at Meg Imperial at pinamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo. Tapos na rin ang isa pang Philippine adaptation ng Korean movie na “Spellbound” kung saan tampok na mga bituin sina Bela Padilla, Marco Gumabao, Rhen Escano at iba pa na dinirek ni Thop Nazareno.

Tapos na rin gawin ni Direk Yam Laranas ang suspense-thriller movie na “Rooftop” kung saan tampok sina Ella Cruz, Marco Gumabao, Ryza Cenon, Marco Gallo at Andrew Muhlach.

Speaking of Direk Yam, palabas ngayon sa Vivamax at sa iba pang digital platform ang sexy-drama movie na “Paraluman” na pinagbibidahan ni Rhen Escano with Jao Mapa as her leading man.

Si Rhen ay kasalukuyan pa ring nasa Singapore filming her first international drama-romance movie titled “Sunday” opposite Vietnamese actor Ho Thanh Trung.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Istagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE