Shooting sa Canada binarikadahan
Matapos dumugin ng fans ang shooting ng “Hello, Love, Again” sa Canada, naghigpit na raw ang production team at ipinagbawal na ang pagbisita sa shooting.
Mula nga naman nang dumating doon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay dinudumog araw-araw ang location to the point na nakakaistorbo na ang mga ito.
Ipinupost ng Pinoy fans ang videos ng pagbisita nila sa set at kitang-kita ang dami ng taong pumupunta sa shooting. Dumating na nga sa puntong kailanga itong itigil dahil sa pagkakagulo at pag iingay ng fans.
May video ring kumalat na makikitang nagagalit na si Direk Cathy Garcia-Sampana at pinagsabihan ang fans na huwag mag-ingay dahil nga nakakaabala ang mga ito sa shooting.
Ngayon, bawal na ang fans sa set, base sa update ng ibang netizens.
Sa bagong video na kuha ng isang Pinoy netizen ay makikita na binabaybay niya ang lugar na pinagsyusyutingan ng KathDen.
Aniya, “May shooting po ulit ang KathDen kaya lang, kumuha na sila ng permit, tapos, may mga security na,” sey ng netizen.
Mapapanood sa video na tahimik na ang lugar at tanging mga sasakyan na lang ang makikita’t wala nang maiingay na fans sa paligid.
“Naghigpit na sila sa shooting ng hello love again dito sa Bridlewood may mga security na at kumuha na sila ng permit sa city at nagpadala na ng notice sa mga katabing bahay na mag-shooting sila ng movie,” caption ng netizen.
Sa update ng isa pang netizen, makikita sa video na nag-try siyang pumunta sa lugar ng shooting.
“May shooting ngayon ang ‘Hello, Love Again,’ pero try nating pumunta pero sabi nila, ano raw, masyadong mahigpit na,” sey niya.
Ipinakita ng netizen na nakarating na siya sa lugar ng shooting at sey niya, “Wala na, may barikada na.”
Mapapanood nga sa video na secure na ang lugar at may mga harang pa. May mga sasakyan din sa labas ang mga security at binabantayan ang lugar.