Sheryn

Sheryn, magpapasabog ng pag-ibig at pag-asa sa digital concert

October 16, 2021 Ian F. Fariñas 104 views

Handa nang magpasiklab ang Kapamilya singer na si Sheryn Regis sa kauna-unahan niyang digital concert na Love United, na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at re-run sa (Oktubre 24).

Ibibida ng Crystal Voice of Asia sa engrandeng musical event ang mga pagtatanghal na magpapakita ng pagmamahal, pag-asa at healing.

“Maganda kasi mag-express ng songs na inspirational these days, like, you can give hope and love through a song. So the viewers can receive healing from the songs that we’re going to perform as well,” aniya sa isang MYXclusive interview.

Pag-amin ni Sheryn, na nagbalik-showbiz ngayong taon sa pamamagitan ng mga kantang Tulad ng Dati at Gusto Ko Nang Bumitaw, challenge na hindi makaharap ang kanyang audience, pero nangako rin siya na magiging espesyal pa rin ang experience ng mga manonood ng concert.

“Gusto kong i-assure na mapi-feel nila gaano mag-work ang mga puso namin through our singing, ma-feel nila na nasa harap lang nila kami. Na iba ito from just watching us on TV,” dagdag niya.

“Digitally dadalhin ko kayo sa isang concert stage.”

Makakasama ni Sheryn sa concert ang guests na pinangungunahan ng viral sensation na si EZ Mil, Pinoy pop-rapper na si H-BOM, child singing prodigy na si Kaela Francheska, dating Tawag ng Tanghalan finalist na si Froilan Canlas at ang vocal trio na TNT boys kasama sina Francis Concepcion, Keifer Sanchez at Mackie Empuerto.

Ang Love United ay handog ng ABS-CBN Events at ipinrodyus ng MAK Entertainment.

Ito ay mapapanood 8 p.m. sa KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at may re-run, 10 a.m., kinabukasan (October 24).

AUTHOR PROFILE