Sharon

Shawie, fans galit kay Leni

March 31, 2022 Lee Ann P. Ducusin 685 views

MASAMANG-MASAMA ang loob ngayon ni megastar Sharon Cuneta kay Leni Robredo dahil sa ginawa nitong panlalaglag sa asawang si Kiko Pangilinan.

Ayon sa ilang diehard fans ng megastar, hindi nito inaasahang harapan kung bastusin ni Robredo si Pangilinan.

Mas lalo anilang sumilakbo ang galit ni Sharon ng hindi man lang nagpahayag ng pagtutol si Leni matapos kumilos ang ilang mga opisyal ng kanilang kampo para ilaglag si Kiko at ipareha siya kay Inday Sara Duterte na isinusulong ni Bicol Rep. Joey Salceda.

Maliban pa doon ay buong puso ring tinanggap ni Leni ang pagpareha sa kanya ni Davao Rep. Pantaleon Alvarez kay Tito Sotto at ni hindi man lang din ito nagbigay ng pahayag ng pagtutol sa ideya.

Narinig pa nga ng ilang mga insider ang sinabi ni Leni na very weak VP candidate si Kiko kaya pumayag siyang ilaglag ito at ipareha siya sa iba.

Iniisip kasi ni Leni na mas lalakas ang tsansa niya laban sa frontrunner na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kung makakasama niya sa tiket sina Inday Sara at Tito Sotto na parehong malayo ang agwat kay Kiko.

Kabaliktaran ni Leni, paulit-ulit namang sinasabi ni Inday Sara na tanging si Bongbong lang ang itinuturing niyang kapareha at wala ng iba at hindi niya kinikilala sina Leni at maging si Isko Domagoso na inilaglag naman si Doc Willie Ong para makatambal si Sara.

Lalo naman na lumakas ang balita ng laglagan kay Kiko nang kumalat sa social media na hindi raw pinayagang umakyat at magsalita sa stage ang mister ni Sharon na ikinagalit ng aktres.

Base sa balita, ayaw daw ng mga local officials sa Eastern Samar na makatambal ni Leni si Kiko at sa halip ay ang gusto nilang maka-tandem nito ay si Inday Sara Duterte na running-mate ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Masakit ito hindi lamang kay Sharon, kundi pati na rin sa kanilang mga anak, sabi ng ilang fans ni megastar.

Isang video clip din sa socmed ang lumabas kung saan ay nasa likod lamang ni Leni si Kiko habang isa-isa nitong itinataas ang kamay ng ilang local supporters sa stage.

“Di ba bilang runningmate kasama siyang nagtataas ng kamay? Bakit nasa likod lang ni Leni ni Kiko?” komento ng isang netizen.

Sa labis na pagkahabag kay Pangilinan, nagsigawan na lamang ang mga tao ng: ‘Kiko, Kiko, Kiko!’

‘Leni to increase, I must decrease!,’ sabi umano ni Kiko sa ilang socmed videos.

“The nerve. Napaka-insensitive niya. Hindi bale nang masaktan sa Kiko basta siya gusto nyang manalo. Napaka-trapo talaga,” sabi ng isang fan.

Higit na nasaktan ang mga tagasuporta ni Sharon nang ipangalandakan ng ilang public officials na bagahe lamang sa kandidatura ni Leni si Kiko.

“Sobra sila. Si Leni na nga ang dahilan kaya may tampuhan sina Sharon at pamilya ni Tito Sen kasi pumayag silang maging-running mate si Kiko.

Tapos ngayon harapan pang ilalaglag? Ang kapal ng mukha ng Leni Robredo na iyan,” sabi naman ng isa pang fan ni Sharon.

Isang fan pa ni Sharon ang nagsabing sa ganitong sitwasyon makikita ang tunay na ugali ng isang tao.

Batid ng mga tagasuporta ng megastar na masama ang loob nito kay Leni at ayaw lamang ipaalam sa kanila nang harap-harapan.

“Kilala namin si Megastar kung masama loob niya o galit siya,” sabi pa nila.

Dahil dito libo-libong tagahanga ni Sharon ang nagsabi na dahil inilaglag niya si Kiko ay ilalaglag din nila si Leni.

“Humanda ang Leni Lugaw na iyan dahil ilalaglag talaga namin siya!,” sabi ng isang fan.

AUTHOR PROFILE