Sharon

Sharon, walang ipapamanang pera sa mga anak

September 17, 2023 Vinia Vivar 358 views

Nilinaw ni Sharon Cuneta ang balimbing issue laban sa kanya dahil lang nag-guest siya sa first episode ng E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5.

May bashers kasing sinabihan siya na balimbing sa ginawa niya dahil nga kalaban ng E.A.T. ang It’s Showtime ng ABS-CBN na network din ng Megastar.

“Nu’ng nag-guest ako sa Eat Bulaga nu’ng lumipat sila sa TV5, alam mo, ang laki ng gulat ko. Nagulat ako dahil mayroong mga comment sa Instagram ko na ‘balimbing’ or ganito or ganyan,” sey ni Sharon sa mediacon ng Dear Heart reunion concert nila ni Gabby Concepcion.

“I explained it so well that ABS-CBN has also respected from the very beginning, and that although I love my Showtime family, my ABS family, of course, tumatanaw ako ng utang na loob.

“So, nagulat ako. Hindi na ba uso ang utang na loob ngayon? Kasi ‘yung ibang comments, parang hindi nila naiintindihan ‘yung concept.

“So, ‘yun ang ‘wag kalilimutan – utang na loob. ‘Wag mong kakalimutan ‘yung mga taong tumulong sa ‘yo na marating ‘yung narating mo,” she said.

Sa isang bahagi ng mediacon ay nabanggit din ng Megastar na wala na siyang ipapamanang pera sa kanyang mga anak at ang tanging ipapamana lang niya sa mga ito ay ang bahay na ipinapagawa nila ngayon.

Kaya ang payo niya sa mga anak ay magtrabahong mabuti.

“Work hard kasi ipapamana namin sa kanila ‘yung bahay na ipinapagawa namin, tapos uubusin ko na lahat ng pera ko. Wala na silang mamanahin sa akin, ibebenta ko lahat, i-enjoy-in ko dahil hindi ko naman madadala sa langit,” sey ni Shawie.

Dagdag pa niyang mensahe sa mga anak, “Kaya ipinapaalam ko sa inyo, kaya ko kayo pinaaral para magtrabaho kayo, okay? Ang inyo na lang, ‘yung bahay na malaki, bahala kayo do’n. Tapos no’n, zero,” aniya sabay-tawa.

Samantala, gaganapin ang Dear Heart, The Concert sa October 27 sa SM Mall of Asia Arena. Pagkatapos nito, sa October 30 ay magkakaroon ng special VIP Night sina Sharon at Gabby sa Okada Manila Grand Ballroom.

Para naman sa Sharon-Gabby fans sa bandang South, magkakaroon din ng InLife’s Dear Heart in Cebu sa November 17 sa NuStar’s Convention Center.

PAMBABABAE NG AMA, IBINUKING!

Gawing masaya ang bawat Lunes sa panonood ng Senior High, tampok si Andrea Brillantes, dahil available na ito sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Pwede nang magbinge-watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East at Australia kung saan week-long episodes ang ipapalabas kada Lunes.

Patuloy na umaani ng papuri ang Senior High para sa mahalagang mensahe ng kwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse at iba pa.

Nakalikom na ito ng pinagsama-samang higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook at iWantTFC sa unang dalawang linggo ng serye.

Sa pinakahuling mga rebelasyon sa programa, ibinunyag na ni Archie (Elijah Canlas) sa lahat ang katotohanang nambabae ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) at ito nga ang totoong ama ng twins na sina Luna at Sky (Andrea).

Dahil dito, nanganganib na lalong papahirapan si Sky ng mga bully na sina Archie at Z (Daniela Stranner) ngayong alam na nilang magkakapatid sila.

AUTHOR PROFILE