Sharon

Sharon sinorpresa ang isang mall pianist

December 14, 2022 Aster Amoyo 160 views

Sharon1Sharon2vSharon3Sharon4

VETERAN pianist Vidalito Infante known as “Lolo Bong” got the biggest surprise of his life nang sorpresahin siya ng megastar na si Sharon Cuneta at mister nito, ang dating senador na si Kiko Pangilinan habang ito’y tumutugtog ng piano sa gitna ng Rockwell Power Plant in Makati City.

Alam ng dating senador na palagiang tumutugtog ng piano si Lolo Bong sa nasabing mall tuwing araw ng linggo at kasama rito ang mga pinasikat na kanta ng kanyang misis na si Sharon.

Last Sunday, habang tinutugtog ni Lolo Bong ang “Ikaw,” dahan-dahang lumapit sa kanya si Sharon at kinanta ang nasabing song much to the surprise of the old pianist. Unti-unti ring nagsilapitan ang mga shoppers ng nasabing mall to listen and to take pictures of the megastar with Lolo Bong.

Ito bale ang pinakamaaga and most memorable `Christmas gift’ na natanggap ni Lolo Bong in his entire life.

Masaya rin ang pakiramdam nina Sharon at Kiko na napasaya nila si Lolo Bong at mga taong naroon. Nanghinayang naman ang ibang shoppers na naroon na hindi nasaksihan ang impromptu performance ng megastar with Lolo Bong.

Samantala, napasaya rin ni Sharon ang mga dumalo sa unang Banyuhay Awards ng Dr. Carl Balita Foundation sa Manila Hotel noong Lunes ng gabi kung saan siya tumanggap ng unang Gloria Sevilla Award.

Kasama rin niya ang mister na si dating senador Kiko. Ang nag-abot sa kanya ng award, maliban kay Dr. Carl Balita, ay si Suzette Ranillo, ang anak ng Queen of Visayan Movies.

Ang naturang segment ng Banyuhay Award ay pinagtulungan ng DCBF at ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ng People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis.

KeanKean1Kean2

The unconventional love story of Chynna and Kean

UNCONVENTIONAL na maituturing ang love story ng mag-asawang singers, actors, record producers and talent managers na sina Chynna Ortaleza at Kean  Cipriano who were really meant for each other.

Nobody would think na mauuwi sa hiwalayan ang almost ten years relationship ng Kapamilya actress at dating host at dating nobyo nito, ang dating Kapuso actor na si Railey Valeroso.

The former couple used to be so comfortable with each other na hindi na nila inisip noon na mag-explore ng ibang bagay para lalong mag-grow ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, hindi pala guarantee ang matagal na relasyon para ito’y mauwi sa kasalan. Pero hindi ito pinagsisihan ni Chynna at sa halip ay ipinagpasalamat niya ang kanyang long relationship with Railey because it made her a stronger and better person that she is today.

The former couple broke up sometime in 2013, the year she first met her husband now, ang dating frontman ng Callalily, singer, songwriter, musician, record producer, actor, music video director and entrepreneur na si Kean Cipriano.

It was not the usual `love at first sight’ sa dalawa. Nagkasama sila sa isang event and they were paired off in a game portion. That was their first and last meeting until they were paired again sa isang episode ng “Tadhana” ng GMA nung 2015 at doon na-realize ni Chynna na kakaiba ang way of thinking ni Kean and she became attracted to him. Katunayan, naging crush niya ito at that time.

Sa isang kuwentuhan nina Chynna at kapwa niyang Kapuso actors na sina Glaiza de Castro at Ben Alves sa set ng ginagawa nilang serye noon, ang huli ay nag-advise na huwag umanong sagutin ang isang guy na nagti-text o tumatawag ng alas 2 ng madaling araw dahil walang kuwenta raw `yun. Kinabukasan ng 2:00 a.m. ay tumatawag sa kanya si Kean at bigla umano niyang naalaala ang advise sa kanila ni Glaiza ni Ben na huwag itong sagutin kaya hindi niya sinagot ang unang tawag sa kanya ni Kean. Kinabukasan ng 11 a.m. muli itong tumawag at doon niya ito sinagot. Biglang naalaala ni Chynna na baka importante umano ang tawag sa kanya ng singer-actor kaya sinagot na niya ito. And it led to more calls and texts hanggang maging sila.

Three months lamang naging magkasintahan ang dalawa, one month bilang engaged couple and got married in civil rites on November 7, 2015 sa Marikina City Hall. At that time, Chynna was already pregnant with their first child na si Stellar, now 6 years old.

Nakakatuwa ang engagement ng dalawa na nangyari mismo sa room ni Chynna. Nag-propose sa kanya si Kean na walang dalang ring at pinangakuan siyang to follow na lamang ang singsing. Pero ang totoo noon, before the proposal ay nagtungo sa isang mall ang singer-actor para bumili ng ring for Chynna. Nakakita siya ng magandang ring na gustong-gusto niyang bilhin for the singer-actress na kanya pa umanong dinasalan pero nang malaman niya ang presyo ay agad siyang pinagpawisan at agad umatras sa pagbili ng nasabing singsing. He told Chynna about this who asked him kung ano ang budget nito for the ring. A week later, nakahanap sila ng ring na gustong-gusto ni Chynna na within the range ng budget ni Kean kaya pareho masaya ang dalawa.

“Masaya ako dahil `yung ring na binili ko for Chynna ay gustong-gusto niya,” pag-amin ni Kean.

It was Chynna who broke the news that she’s pregnant to her mother at umiyak ito. Ang ina rin mismo ni Chynna ang nagsabi na kausapin nila ni Kean ang kanyang ama, ang yumaong dating movie producer na si Gryk Ortaleza.

Inamin ni Kean na lahat ng dasal na alam niya ay ginawa niya bago muling makaharap ang ama ni Chynna dahil sa sobra niyang nerbiyos. Hindi umano niya alam kung paano ito sisimulan and when he was finally in front of him, doon niya binasag ang katahimikan na gusto na umano nilang magpakasal ng kanyang anak dahil buntis na noon ang singer-actress.

To Chynna and Kean’s surprise, sinabi ng namayapang ama ni Chynna na huwag umano silang magpakasal muna at hintayin nila ang 20 taon na kung sila pa rin ay doon lamang sila magpakasal. Pero siyempre, hindi ito sinunod nina Kean at Chynna dahil one month after he proposed to Chynna ay nagpakasal sila sa isang intimate civil wedding ceremony with their respective families present.

Two years later, November 7, 2017 ay nagpakasal naman muli ang dalawa sa simbahan.

Even at the early stage ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay na- obserbahan ng parents ni Chynna na isang mabait at responsible husband si Kean kaya unti-unti itong napamahal sa mga magulang ng singer-actress. Bago sumakabilang-buhay ang ama ni Chynna ay pinagbilinan nito ang singer-actror na huwag pababayaan at sasaktan ang kanyang anak.

“I felt sad nang pumamaw ang dad ni Chynna because I found a second dad in him. I lost my own dad one month before our eldest child (Stellar) was born,” kumpisal ni Kean.

Bago naman isilang ni Chynna ang kanilang second child ni Kean na si Salem ay sumakabilang-buhay naman ang ama ng singer-actress.

“Pareho na kaming walang dad ni Chynna,” dugtong pa ni Kean.

In our exclusive interview with the couple for “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin ng singer-actor na as early as high school ay crush na umano niya si Chynna na napapanood umano niya noon sa iba’t ibang serye ng GMA.

Sa kanilang junior and seniors prom, tinanong umano siya ng kanyang cousin na isang stylist ng GMA kung gusto nitong magkaroon ng celebrity partner at ang crush niyang si Chynna ang gusto nitong maging prom’date. Nang kausapin ang singer-actor, inakala nito na isa lang itong `paid raket’ kaya sinabi niyang titingnan ang kanyang schedule. Dahil ayaw ng pinsan ni Kean na ito’y ma disappoint, hiningan na lamang nito si Chynna ng isang picture na may autograph for Kean. It was a wallet-size picture na may nakalagay na dedication from the singer-actress which he kept in his wallet.

Unfortunately, said picture was thrown away by Kean’s ex-girfriend dahil pinagselosan niya si Chynna.

Kahit mismo ang mag-asawang Chynna at Kean ay hindi rin makapaniwala that they will end up with each other at magki-click ang kanilang pagsasama bilang couple na inakala ng marami na hindi magtatagal.

Bukod sa kanilang common ground as hands-on parents to their two kids na sina Stellar (6) at Salem (3), they support each other pagdating sa kanilang ibang interes at naroon din ang kanilang tiwala para sa isa’t isa.

The couple put-up their own record and talent management company, ang O/C Records kung saan din hand-son ang mag-asawa sa pagpapatakbo nito.

In a separate room ay may mini-playground para sa kanilang dalawang anak where they can play habang sila’y nagta-trabaho. Wala silang kinuhang nanny sa mga bata dahil gusto ng mag-asawa na sila mismo ang nag-aalaga sa mga bata kahit pareho silang working parents.

“It works for us,” ani Kean na aktibo rin sa pagiging musical director na iba’t ibang pelikula ng Viva including the upcoming series na “The Rain in Espana” na pinamamahalaan ni Theodore Boborol kung saan si Chynna ang tumatayong creative manager. Tampok sa nasabing serye sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Gab Lagman, Bea Binene, Frost Sandoval, Andre Yllana at marami pang iba which is for 2023 release.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE