Sharon

SHARON, PUMALAG SA BASHER: Kayo ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO

October 11, 2023 Vinia Vivar 212 views

Inalmahan ni Sharon Cuneta ang isang basher na inakusahan siyang pinagkukumpara ang kanyang mga anak.

Sa madamdaming post ng Megastar tungkol sa kanyang anak na si KC Concepcion nitong Martes, may isang netizen na sumagot ng “then stop comparing ng mga anak mo.”

Hindi ito pinalampas ni Shawie at niresbakan ang basher.

“For the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip — KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO. Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong.

“Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.

“Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi tagpi o ginagawa,” ang pagtataray ni Mega.

In fairness, mas marami namang positive than negative reactions sa post ni Shawie at marami ring naka-relate na mommies sa kanyang pinagdadaanan.

AUTHOR PROFILE