Rosanna Roces

Sharon niregaluhan ng mamahaling bag si Osang bago umalis

May 13, 2021 Aster Amoyo 391 views

BAGO nangibang-bansa mag-isa ang Megastar na si Sharon Cuneta a couple of nights ago, hindi nito nakalimutang padalhan ng advance birthday gift ang kanyang new-found friend na si Rosanna Roces who is turning 49 sa darating na May 25.

Isang personalized at mamahaling Christian Dior bag na may pangalan ni Osang (Rosanna) ang ipinadala ni Sharon sa kanyang bagong kaibigan at katrabaho sa pelikulang “Revirginized” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap. Maging si Direk Darryl ay nagulat din sa ipinadala sa kanya ni Mega na Louis Vuitton back pack.

First time na nakatrabaho ni Sharon sina Osang at Direk Darryl sa pelikulang “Revirginized” and they hit if off kaagad.

“Grabe tulala pa ako hanggang ngayon. Personalized talaga. Grabe…love mo talaga ako,” post ni Osang sa kanyang Instagram account.

Although matagal nang magkakilala sina Sharon at Osang, aminado ang huli na ngayon lamang daw sila nagkasama ni Mega sa movie at ngayon lamang din sila nagkalapit bilang magkaibigan.

Kim at Jerald wala pang balak magpakasal

MAGPI-PITONG taon na ang relasyon ng magkasintahang Kim Molina (29) at Jerald Napoles (38) na unang nagkakilala at nagkalapit sa hit musical stage play na “Rak of Aegis”in 2014. Pero wala pa umano sa kanilang plano ang pagpapakasal dahil pareho pa umano silang `late bloomer’ sa pagpasok sa showbiz at marami pa umano silang gustong gawin bago mag-asawa. Pareho rin silang busy sa kanilang respective careers sa gitna ng pandemya.

Ang magkasintahang Kim at Jerald na unang nagkatrabaho sa hit launching movie ni Kim na “Jowable” in 2019 ay muling magkasama sa upcoming Vivamax movie, ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na muling sinulat at pinamahalaan ng millennial writer-director na si Darryl Yap. Ang nasabing pelikula rin bale ang second team-up nina Kim at Direk Darryl pagkatapos ng “Jowable” which propelled Direk Darryl’s career bilang writer-director. Katunayan, siya ngayon ang most in-demand writer-director at second movie na niya ngayong taon ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” pagkatapos ng “Tililing” na kamakailan lamang din ipinalabas sa Vivamax. Palabas na rin ang “Kung Puwede Lang” rant serye sa Vivamax habang itong “Ang Babaeng Walang Pakiramdam “ ni Kim ay nakatakda namang ipalabas sa darating na June 11.

Ellen magpapaalam na sa show next year

MATATAPOS na ang “The Ellen DeGeneres Show” next year at magpapaalam na siya sa kanyang programa na nagsimula in 2003.

After almost two decades of hosting, gustong balikan ni Ellen ang paggawa ng sitcom which she did before in 1994 sa pamamagitan ng “Ellen” na tumagal hanggang 1998.

Sa ika-apat na season ng kanyang “The Ellen DeGeneres Show” nung 1997 ay nag-out si Ellen bilang lesbian sa dating talk show ni Oprah Winfrey. Taong 2008 naman nang kanyang pakasalan ang kanyang longtime girlfriend na si Portia de Rossi.

Ang programa ni Ellen ay nakapagbigay ng pagkakataon na mapanood sa Amerika at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ilang Filipino talents tulad nina Arnel Pineda ng Journey, Charice Pempengco (now Jake Zyrus), the TNT Boys, Marcelito Pomoy at iba pa.

Ang award-winning host-actress ay ang kauna-unahang TV personality na nakatanggap ng The Carol Burnett Award sa Golden Globe Awards nung January 2020.

Rabiya gustong makita ang biological father

KATULAD din ang 24-year-old Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa maraming showbiz personalities na naghahangad na makita at makilala ang kanilang banyagang ama.

Indian-American ang ama ni Rabiya na si Syed Mohammed Abdullah Mouqueet na isang doctor na naka-base at nagta-trabaho sa Chicago, Illinois, USA habang Filipina naman ang kanyang ina na si Christine Mateo.

Since bata pa si Rabiya nang magkahiwalay ang kanyang parents, wala siya gaanong memories tungkol sa ama. Bukod sa gusto niya itong makita, makilala at mayakap, gusto rin ni Rabiya na matutunan ang Indian culture. Isa rin ito sa mga rason kung bakit malapit siya sa kandidatang Miss India sa gaganaping Miss Universe sa Florida, USA ngayong May 17.

Kapag nanalo si Rabiya sa Miss Universe or makakuha ng anumang puwesto, tiyak na magiging proud ang kanyang biologicial dad sa kanya.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube Channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE