
Sharon namayat sa itlog
Humihingi ng dasal si Sharon Cuneta sa Instagram followers para magtuloy-tuloy ang kanyang pagpapayat.
Sa kanyang IG account ay sinabi ng Megastar na nine years na siyang nagpapapayat at may panahong napu-frustrate na siya.
“I decided to lose weight slowly on my 50th birthday (2016). It’s been 9 years of losing weight, gaining weight again, being happy and inspired, feeling disappointed and frustrated,” aniya.
Pero in-assure ni Megastar na magpo-focus na siya this year at tatrabahuhin na ang pounds na dapat niyang ibawas.
Inilarawan pa niya ang kanyang pagda-diet na “nakakaiyak, nakakapagod at nakakagutom.”
“So I finally decided to step it up and lose the last several pounds this year. Nakakapagod. Nakakaiyak. Nakakagutom. Lahat na yata ng diyeta ginawa ko. Pero focused na now.
“Praying tuloy-tuloy na! Please pray for me,” saad ni Mega.
“Excited na mamili ng mga damit na talagang gusto ko. But most of all, para super healthy na talaga!” sey pa niya.
Sa sumunod na post ni Shawie ay ibinahagi niya ang kanyang ginagawang egg diet na very effective umano sa kanya.
“Ang dami nyong tanong tungkol sa paano ako pumapayat! So ito na. Sa YouTube po yan. Disclaimer: Please consult your doctor first kung gagawin ninyo ito! Malala po at malupit ito pero ilang beses ko na ginawa just to jumpstart my weight loss,” sey ni Mega.
“Di ko naman binubuo ang 10 days lagi kasi pag sobrang bilis ka mag-lose ng weight magsa-sag ka at magmumukhang tuyot! Tapos normalized uli ang kain ko,” tip pa niya.
Ibinahagi rin niya na pag normal diet ay nagkakanin siya pero sinusukat pa raw ito ng kanyang yaya.
“So pag ‘normal’ ko na ang kain ko, 1/6 cup lang ng rice (mineasure ng yaya ko!), iwas tinapay, tapos LAHAT kakainin ko — pero lahat tikim lang!
“Nasanay na ako na pag gusto ko ng cake, di ko naman pala kailangan ubusin ang buong slice! Ulam gusto ko (minsan gulay ang ginagawa kong kanin) — tikim lahat at pag busog na, stop na.
Kahit every two hours ako kumain, puro tikim lang (alam nila Regine @reginevalcasid yan at minsan nung Iconic Tour sabi niya sa akin, “Ate pinapanood kita kumain eh tikim tikim ka lang!”),” pagbahahagi ni Mega.
“Madami akong oorderin para lahat titikman ko tapos ang umuubos mga kasama ko na! Ayan na sinabi ko na lahat,” patuloy niya.
“Di ako puedeng laging deprived kundi magbibinge ako! Kaya kung gagawin nyo please tanong muna da doctor nyo okay po? Konting tiis lang — ivisualize niyo bawat minuto ang itchura niyo pag payat na at isipin niyo di naman mawawala yung pagkain na gusto nyo at kakainin nyo lahat yun pag payat na kayo (yun ang ginagawa ko)!” payo pa niya.
Pag-e-encourage pa niya sa mga nais ding mag-lose weight, siya na raw ang pinakamatakaw sa mundo, pero kinaya niyang mag-diet.
“Kung kaya ko na pinakamatakaw sa mundo, kaya niyo rin!!! Love you all,” sey niya.
“If you’re like me (I have had a heart condition since 2003. My heart rate was way faster than normal and I have been on maintenance meds since. Di ako puede magpalpitate), please do not take any medicine to curb your appetite. Ask your doctor muna and that is the best!” pahabol pang payo ni Sharon.