Sharon

Sharon, nagpabawas ng boobs sa Amerika

August 4, 2021 Ian F. Fariñas 221 views

NAKAUWI na nga ng ’Pinas si Megastar Sharon Cuneta at humarap na sa virtual mediacon kahapon para sa mapangahas na pelikulang Revirginized na may global premiere sa Vivamax, ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV simula bukas, August 6 at may theatrical release sa US at Canada sa August 13.

Sobrang daming kwento ng singer-actress dahil sa mahigit dalawang buwang pamamalagi sa Tate.

Una na rito ang paggupit niya ng sariling bangs gamit ang isang tutorial. Kaya new look siya sa mediacon.

Ikalawa ang pagpapabawas niya ng boobs doon gaya ng una niyang hint sa isang Instagram post na naka-swimsuit top siya kasama ang Revirginized leading man na si Marco Gumabao.

Ani Sharon, lumaki ang boobs niya nang mag-gain ng weight at magpa-breastfeed sa pangatlong anak na si Miel.

Wala raw implants ang dibdib ng Megastar, all natural iyon kaya natural lang na “all skin and fat” ang boobs niya.

“I had it reduced and lifted,” pag-amin niya sa mediacon, sabay ayos sa pulang blouse at bra na aniya’y “ang luwag na ngayon kaya nahuhulog.”

Anyway, talking about Revirginized, super touched si Sharon dahil nga mahigit 11 million na ang views ng trailer nito mula nang ilabas ito online.

Bukod dito, record breaker din ang Revirginized na dinirek ni Darryl Yap dahil sa ngayon, ito ang most sold tickets sa ktx.ph.

Reaksyon ni Sharon, “At my age, I certainly didn’t expect it. Maybe God doesn’t want me to retire talaga, ’wag muna. Ayaw pa ’ata Niya. Kung anu-ano ang dumarating, eh.”
Dagdag pa niya, “I haven’t heard that term (record breaking) in many years so that, I want to cry. I used to break my own records. I used to be the only one to break my own records… for many years. Thank you, Direk Darryl for this project. Thank you for Carmela (ang character niya sa movie). Thank you, my Sharonians, thank you, Viva.”

Ibinalita rin ni Sharon na sa loob ng ilang buwang pag-i-stay niya sa US, eh, nakapag-audition siya sa ilang proyekto doon.

Gustung-gusto nga raw sana niya ang isang proyektong pinag-audition-an niya na dapat sana’y kukunan sa Hong Kong kasama ang isang A-list actor/producer na hindi na niya pinangalanan pa.

Kaso, hindi siya pumasa dahil ang sabi, kahit daw hubaran pa siya, eh, hindi siya magmumukhang mahirap.

“I’m doing a lot of other auditions and a lot of offers are on the table. I have to go back to the U.S. I’ve been reading scripts. I have a lot of work in the Philippines. Nagkakagulo ngayon sa schedule ko.”

Kaya sa ngayon, focused muna siya sa promo ng Revirginized, kung saan marami pang firsts ang ginawa niya gaya na lang ng Tequila body shot scene nila ni Marco.

Ayon sa aktor, biglaan kinunan ni Direk Darryl ang eksena nang madaling-araw.

Dahil sobrang kabado, sinigurado raw ni Marco na tatlong beses siyang nag-scrub at naligo bago sumalang sa kamera.

“Nag-scrub ako ng katawan nu’n, hindi pwedeng hindi. Nakatatlong ligo ako for that scene. First scene together so sobrang kinakabahan talaga ako. Nag-shot ako ng konting Tequila, pampa-boost lang,” kwento ni Marco.

Thankful naman si Sharon sa guidance ng bagets na ka-partner dahil kahit sa totoong buhay, hindi raw talaga siya palainom ng kahit na anong alcohol.

“Dalawa ang naging asawa ko, ’di ko na-body shot! Si Marco lang!” tili pa ng Megastar.

“I really don’t drink… I’ve an aversion to alcohol. ’Yung Tequila, tunay pala! Sabi ko kay Direk, buti na rin. Nakatulong sa akin. Ang galing ni Marco noon. Marco just carry me, I’ll follow you,” pagbabalik-tanaw ng singer-actress.

Awa ng Diyos, one take lang daw ang body shot scene at kuntento naman si Direk Darryl sa kinalabasan nito.

AUTHOR PROFILE