Sharon

Sharon, naglitanya sa trolls at haters

October 15, 2021 Vinia Vivar 405 views

Naglabas ng mahabang hinaing at pagkadismaya si Sharon Cuneta sa nangyayari sa bansa habang papalapit ang eleksyon.

Rant ni Sharon sa kanyang Instagram account, bastusan na ngayon at wala nang respetuhan.

“I posted this on my Facebook page just now: I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko.

“Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino.

“Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na.

“Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal. Ngayon, ganito na — bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang,” bahagi ng pahayag ni Shawie.

Buong tapang ding binanatan ni Megastar ang ating mga government official.

“Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID.’

“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korapsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.

“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa — pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!” ang litanya ni Mega.

As we all know, ang mister ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan ay tumatakbong Vice President ng bansa ka-tandem si VP Leni Robredo for President naman.

AUTHOR PROFILE