Sharon na-touch sa pa-flower at pa-cheese ni Juday
Na-touch nang bongga si Sharon Cuneta kay Judy Ann Santos dahil kahit nasa abroad siya ay nag-effort itong magpadala ng something sa kanya.
Ibinahagi ni Megastar sa Instagram ang flowers at food na ipinadala ni Juday sa kanya with matching handwritten note pa.
Sa caption ay labis ang pasasalamat ni Shawie kay Juday na para na rin niyang nakababatang kapatid.
“My sister, Judai @officialjuday … I am so far away and yet she goes out of her way to send me these! She knows the flowers and colors I love, that I love cheese and all that too… I love her so much… I love you, my sis!!! See you when I get home!!! Thank you sooooo much! Nag-iisa ka talaga… #22yearssistersandgoingstrong,” caption ni Sharon.
Sumagot naman si Juday sa comment section ng, “Always take care of yourself there ate ko. Rest properly and eat well. simulan natin sa sandamukal na cheese!”
Matatandaang nagkasama sina Sharon at Juday sa pelikulang “Magkapatid” noong 2002 and since then ay parang magkapatid na talaga ang kanilang turingan.
Matatandaang last October pa umalis ng Pilipinas si Sharon para sa “Dear Heart” US and Canada Tour with Gabby Concepcion na magtatapos sa Nov. 29.