Sharon

Sharon, may regret sa pagpapapayat

March 26, 2022 Vinia Vivar 127 views

Malaki na talaga ang ipinayat ni Sharon Cuneta na sabi nga niya ay six years niyang trinabaho. Kung hindi nga lang daw siya pasaway noon pa, baka matagal na siyang pumayat.

“For those of you asking, I’ve lost a total weight of – I haven’t weighed recently, but based on the size of my clothes, 80-85 lbs. in 6 years. But I could’ve done it in one year, which I didn’t,” pahayag ni Sharon sa vlog ng celebrity doctor na si Aivee Theo.

Dati raw kasi, kapag nagda-diet siya at pumayat na nang kaunti, kumakain ulit siya ng marami kaya ang tendency nga ay tataba siyang muli.

Pero nang nagtagal ay nasanay na raw ang tiyan niya sa pakonti-konting kain at nang makita ang resulta, mas lalo siyang na-inspire dahil ginawa rin siyang inspiration ng mga tao.

Sobrang pagsisisi nga raw niya na noong nasa 40s siya ay hindi niya ito ginawa.

“I regret that throughout my 40s, I was fat. I lost a decade. And if only I could take that decade back, I would be able to do so many things. If only I could take it back now, I would do so much more. But better late than never,” she said.

Naibahagi nga rin niya na noong mataba pa siya ay may heart problem pa siya.

“My resting heart rate, pag tulog ako, ‘yung heart rate ko, para akong nagdya-jogging. Ang taas-taas. Wala na ngayon,” kwento ni Megastar.

Dati pa nga raw, kaunting akyat lang niya ng hagdan ay hinihingal na siya pero ngayon ay hindi na.

May mga running scene siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at hindi na raw siya hinihingal.

“Oh my God, talagang it helps, so you have to take care of your health,” aniya.

Itutuluy-tuloy pa raw niya ang pagpapayat at goal niya ay mag-lose pa ng 20 lbs.

Gusto raw niyang makalaro pa ang kanyang mga magiging apo in the future.

Payo niya sa mga kasing-edad niyang may weight problem din, wala ’yan sa age kundi talagang disiplina at determinasyon lang.

AUTHOR PROFILE