Sharon may pa-throwback post sa ex-BFs
May pa-throwback si Sharon Cuneta sa dalawang ex-boyfriends na sina Robin Padillla at Richard Gomez.
Sa Instagram ay nagbahagi ang Megastar ng mga larawan niya kasama sina Binoe at Goma.
Sa caption, sinabi niya na ang popogi ng kanyang mga ex na ngayon ay parehong successful politicians na.
“Just saw these! OMG Twilight Zone! Ampopogi at astig ng mga ex ko at yung isa Senador na, yung isa naging Mayor na and now Congressman!” sey ni Shawie.
“‘Kakatuwa naman. Wala lang ang sarap lang makita ng nakasmile ka! Happy for them!“ patuloy ni Mega.
Pero ang big winner daw siyempre sa puso niya ay ang mister na si Kiko Pangilinan.
“PERO – si Kiko ang nanalo! Sa puso at buhay ko!!! Happy kami!,” saad ni Sharon.
Well, open book naman ever since na ang dalawa sa pinakamakulay na relasyon ni Sharon ay sina Robin at Goma.
Matatandaang super in-love sina Robin at Shawie noon to the point na humarap ang action star sa tatay ni Mega na si Mayor Pablo Cuneta at hiningi ang kamay ng aktres.
Pero that time ay hindi pa annulled si Sharon kay Gabby Concepcion.
Eventually, hindi natuloy ang kasal at naghiwalay sila dahil nabuntis ni Robin ang dating misis na si Liesel Sycangco.
Si Goma naman ay naging dyowa ni Sharon noong 1989 matapos nilang gawin ang pinagsamahang movie na “Kahit Wala Ka Na.”
In an old interview, inamin ni Sharon na ang dalawang “R” na ex niya ang itinuturing niyang “great love.”
Ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay at pawang masasaya sa kani-kanilang family life.
Sharon and Kiko are in their 28th year of marriage at nananatiling matatag ang pagsasama.