Sharon

Sharon, gustong umulit kina Robin, Aga, Christopher at Gabby

August 23, 2022 Vinia Vivar 282 views

Bago man lang siya mangulubot, gusto raw ni Sharon Cuneta na makatrabahong muli ang ilan sa leading men niya in the past.

Sa recent interview sa kanya ng ABS-CBN ay natanong ang Megastar kung sino sa naging leading men niya ang gusto niyang makatrabahong muli.

Nangunguna sa listahan ni Shawie si Robin Padilla.

“Robin is my favorite,” pag-amin niya. “Let’s just put it this way. I’m happiest at work when it’s Robin that I’m working with.”

Paliwanag ni Mega, “Kasi, we have the same sense of humor and I’m always, always so well taken care of by Robin.”

Pangalawa niyang binanggit si Aga Muhlach.

“I’d like to work with Aga again simply because he’s such a great actor,” she said.

Nabanggit din niya si Christopher de Leon.

“Of course, I’d like to work with Boyet again. Before we all you know, turn into prunes, I’d like to work with all of them again,” sey pa niya.

At bigla niyang naalala ang ex-husband and ex-loveteam na si Gabby Concepcion. Gusto raw niya itong makatrabaho with Direk Olivia “Inang” Lamasan as the director.

“Oh! I also like to work with Gabby under Inang,” sambit ng Megastar.

Matatandaang noon pa may clamor ang Sharon-Gabby fans na magkaroon ng reunion ang dalawa, pero hindi pa nga matuluy-tuloy hanggang ngayon.

AUTHOR PROFILE