Sharon-Gabby US/Canada tour walang urungan
WALA nang urungan ang US-Canada “Dear Heart Tour 2024” nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na handog ng NY Entourage Productions. Tuloy na tuloy ang concert umulan man o bumagyo.
Malakas ang clamor ng fans sa ibang bansa sa concert ng former loveteam/couple kaya naman nang maayos ang schedules nina Sharon at Gabby, heto na ang listahan ng tour na, ayon sa producer na si Nancy Yang, eh, maaaring madagdagan pa.
Sa October 26 ng kick off sa Farrah’s Resort, Southern California. Susundan ito sa Oct. 27 sa Saban Theater, Beverly Hills, California.
Ang next stop ay sa The Meeting House sa Canada on November 2 at sa Nov. 15 naman ay sa The Venue, Thunder Valley Casino Resort. Sa Nov. 17 ay sa West Gate Las Vegas Resort and Casino, Las Vegas habang sa Nov. 21 ay sa Club Regents Events Centre sa Winniepag, Canada.
Ang last two tops ng “Dear Heart” ay sa Nov. 23 sa Hawaii Covention Center sa Honolulu, USA at sa Nov. 29 ay sa Chando’s Pattison Auditorium, Vancouver.
Ayon kay Gabby nang ma-interrview ng media, may changes sa ilang songs pero matutuwa ang manonood dahil sa masayang regalo nila ni Sharon sa fans ngayong Pasko.
TROPAHANG SWAK SA GEN Z
HETO na ang masasayang tropahan ng Sparkle Teens sa bagong show nilang “MAKA” na mapapanood sa GMA Network simula ngayong September 21, 4:45 p.m.
Naku, magaling sa youth-oriented shows ang Kapuso channel at patunay diyan ang classic na “T.G.I.S.,” na nagpasikat ng ilan nating artista ngayon.
Sa “MAKA,” tampok ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty, Sean Lucas at Mary Ann Basa.
Swak na swak ang series sa mga Gen Z at iba pang generation dahil kasama rin dito sina Romnick Sarmenta, Sharmaine Arnaiz, Tina Paner, Maricar de Mesa at Carmen Soriano.
Kuweto ito ng mga high school student na enrolled sa Arts & Performance Section ng Douglas MacArthur High School.
Mula ito sa direksyon ni Rod Marmol.