Sharon

Sharon, binakunahan ng Pinay nurse sa Amerika

May 19, 2021 Vinia Vivar 151 views

Nagpabakuna na sa USA si Megastar Sharon Cuneta. Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram account last Tuesday.

Nag-post siya ng short video at aniya sa caption, “vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much, Nurse Trixia!!!”

Sa video ay makikitang nasa hospital nga si Shawie at ipinakita ang pagtuturok na ginawa sa kanya.

Aniya, sana ay mabakunahan na rin ang kanyang mga anak.

“I am blessed because she is a Filipina also and I am happy to be getting this vaccine. So, I am excited. I just wish my kids could get it too soon,” sey niya.

Halatang hindi naman nakaramdam ng pain si Sharon nang itusok ang karayom at nagulat pa siya na tapos na.

“That’s it? It wasn’t bad at all. My tolerance is high for pain,” sambit niya.

AUTHOR PROFILE