Shakiko

Sharon at Kiko, muntik maghiwalay

November 20, 2022 Ian F. Fariñas 265 views

IKINATUWA ng fans at followers ni Sharon Cuneta ang pagkakaayos nila ng mister na si Kiko Pangilinan habang nasa 18th birthday ng panganay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan.

Pag-amin ng Megastar sa kanyang Instagram account, “Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation…”

“’Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na,” sabi pa ni Sharon, na kinantiyawan naman ni Judy Ann ng “Ayieeeee!!!!!” sa comment section.

AUTHOR PROFILE