
Shaira sa Korea bibili ng wedding gown
Tuloy na tuloy ang kasal nina EA Guzman at Shaira Diaz ngayong taon. In fact, kumpleto na ang wedding entourage nila at bibili na sila ng wedding gown.
Ayon kay Shaira sa interbyu ni Boy Abunda, sa South Korea niya bibilhin ang kanyang gown.
“Kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jungkook (of BTS), so parang gusto ko, Tito Boy, lagyan talaga ng ‘yung something very personal sa’kin,” paliwanag niya.
It would be a church wedding sa bandang Silang, Cavite.
“Para po tahimik, away from the noise. So, du’n pa lahat. Church wedding po ito, my dream wedding. Very intimate lang po, close friends.”
Makakasama sa entourage sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra at Julia Montes.
“Excited sila. ’Yung mga naka-witness ng love story namin from the very start, nandiyan po sila,” she said.
Tinawag na “ninong” ni Shaira si Kuya Boy, which means, isa ang King of Talk sa mga ninong.
“Aba’y oo,” sagot naman ni Kuya Boy.
Sey pa ng aktres, hindi siya nai-stress sa preparations dahil very supportive si EA sa lahat ng gusto niyang mangyari sa kasal.
“Hinahayaan niya lang ako. Kung may idea ako na gusto kong makita sa wedding namin, sine-send ko lang sa kanya, pinapakita ko and nagye-yes lang siya.
“Kasi sabi niya nga, ‘yung kasal is for the bride talaga, eh, parang ‘yun ‘yung day ng bride, so ibinibigay niya po sa ‘kin ‘yun. Walang away, walang pressure, walang stress,” sey ng aktres.