
Shaira atat nang magka-baby
Ang unang plano talaga ng engaged couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz ay taong 2026 pa magpakasal.
Sa mga interview ng aktor last year ay nabanggit nga niya ito at sey pa niya, kailangan muna niyang mag-ipon.
Pero naiba na nga ang plano at napaaga ang kasal. Inanunsyo ng dalawa kamakailan na sa August na magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Cavite.
Sa guesting nina EA at Shaira kaninang umaga sa “Unang Hirit” ay tinanong sila ng host na si Lyn Ching kung bakit napaaga ang plano.
Birong sagot ni EA, “Feeling ko si Shaira talaga, hindi na rin talaga makapaghintay na pakasalan ako.”
Tawa nang tawa sina Shaira at Lyn.
“Hindi, hindi ko alam. Bigla na lang sinabi sa akin ni Shai na, ‘Baba, pakasal na tayo sa 2025, next year.’ So, ako, siyempre, abot-langit din ang saya ko dahil ‘yun lang naman ang hinihintay ko, eh.
Kasi, ine-expect ko is 2026. So, hindi ko alam,” anang aktor.
Sey pa niya sa fiancee, “Baba, ikaw talaga ang dapat sumagot.”
Paliwanag ni Shaira, natagalan na rin siya lalo pa nga’t magte-trenta na siya’t gusto na niyang magka-baby.
“Parang ako na rin ‘yung natagalan, parang gusto ko nang mapunta sa next level ‘yung relasyon namin, kasi pa-30 na rin ako, parang sakto, 30 na rin ako next year.
“So, gusto ko na makasal, gusto ko nang magka-baby. Para may bago sa buhay. Doon rin naman tayo papunta, why not paagahin na lang?” saad ni Shaira.
This Feb. 14 ang last Valentine nila na single. Ayon kay Shaira, gusto nilang maging spontaneous ang selebrasyon.
“To be honest, parehas kasi kaming naging busy, so ngayon talaga kami nagpa-plan. Parang ngayong Valentine’s na ‘to, parang we want to be spontaneous na lang. Kung ano na lang ang maisipan namin, alam mo ‘yun?
“Para sa amin, ha, okay, ito ‘yung last, pero kung magkasama naman kami, ‘yun ang mahalaga,” ani Shaira.