Shabu BAWAL YAN–Nagbigay babala si Police Lt. Col.Roberto Mupas, hepe ng MPD PS 14 sa lahat ng drug suspek na hindi sila makakalusot sa batas. “Hindi kami titigil sa pagsugpu sa ipinagbabawal na gamot. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Shabu suspek, booker ‘nasinghot’ sa Quiapo

August 7, 2023 Jonjon Reyes 521 views

NABINGWIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ang isang drug suspek kasama ang customer niya sa buy bust sa Quiapo, Manila, Sabado ng gabi

Nakilala ang hinihinalang tulak na si alyas ‘Orly,’ binata, ng Sampaloc, Manila.

Samantala, swak din sa selda ang kliyente niya na si Marieyen, 43, ng Barangay 870, Pandacan, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander, bandang 10:50 ng gabi nang mahuli ang dalawa sa Quezon Avenue, Quiapo sakop ng Barangay 393.

Pinangunagan ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, ang paghuli sa mga suspek.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

AUTHOR PROFILE