Vic Reyes

Shabu galing US nasabat sa CMEX

November 24, 2024 Vic Reyes 70 views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na diyan sa Japan.

Binabati natin sina Teresa Yasuki, Vina Gabriel, Ana Ikeda (kapatid ni Mama Aki ng Ihawan) Chef Alvin dela Cruz, Tata Yap Yamazaki, Erica O mpad, Stephen Palulay, La Dy Pinky at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman ng Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Mabuhay kayong lahat!

***

Kamakailan ay nakasabat na naman ang Bureau of Customs (BOC) ng isang parcel na galing sa California, United States, na naglalaman ng shabu.

Ang parcel ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon at nasabat sa

Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City, ayon sa BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang consignee ay isang residente ng Taguig City.

“It was flagged during a routine inspection and was found to contain 230 grams of illegal drugs,” ayon sa BOC-NAIA.

Ang shabu ay agarang ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for further investigation and filing of charges.”

Ang ismagling ng mga ipinagbabawal na gamot at iba pang kontrabando sa bansa ay paglabag sa Republic Act N0. 9165.

Muli, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na pipigilan ng BOC ang ano mang klase ng ismagling.

Ito rin ang sinabi ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa. Ayon sa kanya, tuloy ang anti-smuggling drive ng BOC-NAIA.

Tama ‘yan Collector Yasmin.

***

Noong Nobyembre 19 ay pinarangalan ng Gawad Pilipino Awards si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio at Bureau of Customs (BOC).

Tinanggap ni Rubio ang “Outstanding Public Servant Award” bilang pagkilala sa kanyang exemplary leadership.

Kinilala rin siya dahil sa kanyang “transformative initiatives and significant contributions in enhancing transparency and efficiency in customs operations.”

Ang BOC, bilang isang institution, ay kinilala bilang “Tapat sa Paglilingkod Award.”

Mabuti naman at kinikilala ng iba’t ibang grupo ang contributions ng BOC sa pag-unlad ng bansa kahit sa panahon ng kahirapan.

Ang BOC at BIR ay nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Secretary Ralph Recto ng Batangas.

Mahalaga ang dalawang ahensyang ito para maipatupad ng gobyerno ang mga programa at proyekto.

Sa tingin natin ay mare-realize ng BOC ang revenue collection target nito sa 2024.

Hindi ba, Commissioner Rubio?

***

Sa Linggo ay unang araw na ng Disyembre, ang huling “BER MONTH” ng taon.

Ang ibig sabihin nito ay kailangang magpakitang gilas na ang mga nanunungkulan sa gobyerno.

Lalo na ang mga appointed government officials, kasama na ang mga miyembro ng Gabinete ni President Marcos.

Inaasahang ire-review ni Pangulong Marcos ang performance ng kanyang mga opisyal pagpasok ng bagong taon,

Ang mga non-performing officials ay dapat kusa ng umalis sa puwesto bago pa man sila sipain ni Pangulong Marcos.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # +63 9178624484/ email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE