Default Thumbnail

Shabu, baril narekober, 2 suspek huli sa Quiapo

August 28, 2021 Francis Naguit 370 views

Kulong ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng shabu at baril sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District Police Station (PS) 14 sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Al Jabbar Alonto, alyas Orak, at Noel Calar, habang nakatakas naman ang isang alyas Jay.

Pasado alas 11 ng Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PS 14 sa pangungun ni PCapt. Gil John Lobaton na may kaugnayan sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation sa kahabaan ng Elizondo St., malapit sa kanto ng Arlegui St., Quiapo. Ito ay nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P47,600.

Nakuha rin sa pag-iingat ng mga suspek ang isang caliber .38 na may dalawang bala.

Nakakulong ngayon sa PS 14 Custodial Facility ang mga suspek. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE