Salilig Pinapakalma at kino-console ni Cavite Police Provincial Office director, Colonel Christopher F. Olazo ang kapatid ni Adamson University Jhon Salilig. Ang katawan ng pinaniniwalaang biktima ng hazing ay nahukay sa isang mababaw na libingan sa Imus City. Mga kuha mula kay ALFRED DALIZON

SFMR: P500,000 REWARD PARA MAHULI ‘KILLERS’ NI SALILIG!

March 1, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 411 views

Salilig1Speaker Romualdez: Di gawain ng kapatiran na patayin kanilang mga kasamahan

NAG-ALOK kahapon, Miyerkules, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing.

Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan.

“Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.”

“Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?” Tanong ni Romualdez.

Ikinalungkot ni Romualdez ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng mga taong posibleng sangkot sa pagkamatay ni Salilig na itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.

“A loss of life is not acceptable in a civilized society like ours,” pahayag ni Romualdez.

“Wala silang pagpapahalaga sa buhay. Sa ospital nila dapat dinala ang biktima,” ayon sa Speaker.

AUTHOR PROFILE