Larawan: Jasmine Casandra/IG
Sexy overload
WALANG caption, walang paligoy-ligoy — diretsong pasabog ang bagong post ng sexy star na si Jasmine Casandra!
Suot ang isang off-white bikini na perfect na niyakap ang bawat detalye ng kanyang makinis at pang-modelong katawan, nagdala si Jasmine ng init na parang tag-araw sa gitna ng malamig na panahon.
Bumaha ng reaksyon mula sa netizens na tila hindi kinaya ang kanyang walang pasabing sultry surprise. “So beautiful, so sexy my darling, love,” ani ng isang fan.
Hindi rin pinalampas ng mga netizens ang kanyang confidence at charisma. Ilan sa kanila ang nagkomento ng heart emoji.