Remulla Justice Sec. Jesus Crispin Remulla

Sexy intermission dance sa meeting ng NBI pinaiimbestigahan

July 7, 2023 People's Tonight 361 views

PINAIIMBESTIGAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang sexy intermission dance number sa isa umanong command conference ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hotel sa Maynila.

Hindi nagustuhan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pangyayari. Nag-viral sa social media ang video ng naturang sexy intermission number.

“Definitely, we do not like this to happen, no. We will investigate it also,” ani Remulla. “These are the forms of misbehavior that we don’t need in the country.”

Bukod dito, iniimbestigahan din ang NBI kaugnay ng paglabas-masok ng mga detainee nito.

AUTHOR PROFILE