Seth parang proposal sa kasal ang ginawa kay Francine

March 21, 2023 Aster Amoyo 693 views

Seth1Seth2Seth3DAIG pa ng 20-year-old Kapamilya actor na si Seth Fedelin ang nag-propose ng marriage sa kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz (19) nang mag-effort at mag-prepare siya ng romantic proposal to be his prom date sa nalalapit na Star Magical Prom on March 30, 2023.

It was on March 12 (Sunday) nang isagawa ni Seth ang kanyang kakaibang romantic prom date proposal kay Francine na ginanap sa isang garden in Dasmarinas, Cavite, ang hometown ng young actor.

The ex-PBB housemate made sure na maso-sorpresa ang kanyang ka-loveteam sa l ginawang preparasyon.

Nagtungo ang young actor ng Bulacan para bumili ng fireworks maging sa Dangwa para doon bilhin ang mga flowers na ginawa niyang décor sa lugar with matching battery-operated candles na nakapalibot sa isang malaking heart-shaped design maging sa letrang “Will you be my prom date?” made of balloons and flowers.

There was also a white canopy with matching flowers kung saan may naka-set-up na table and dinner for two. The ambience itself was romantic.

Since espesyal ang okasyon, Seth informed his Star Magic family and his handler of his plans, maging ang mother ni Francine ay kanyang kinasabwat. At sa tulong ng mga kaibigan ng Kapamilya young actor ay mai-mount nila nang maayos ang nasabing romantic prom date proposal na kanyang pinaghandaan ng halos isang linggo.

Nang dumating si Francine ay nilagyan niya agad ito ng blindfold and ushered her to the place kung saan naroon ang pinagpaguran niya at na-sorpresa ang Kapamilya young star.

With matching arm bouquet made of flowers na paborito ni Francine, nakita ng dalaga ang ginawang efforts para sa kanya ni Seth na sobra nitong in-appreciate.

Doon lang din nakita ni Francine na naka-suot ng all-white si Seth na bagay sa kanya at hindi rin maikakaila na sobra siyang kinilig sa efforts na ginawa ng young actor for her.

Of course, Francine said yes sa prom date proposal ni Seth kaya silang dalawa ang magka-date sa upcoming Star Magical Prom Night ng Star Magic on March 30.

Next na gagawin at pagpaplanuhan ng young actor ay ang kanyang romantic proposal kay Francine na “Will you be my girlfriend?”

Dahil sa pagiging romantic at creative ni Seth, ngayon pa lamang ay nai-i-imagine na ng marami ang gagawin nitong marriage proposal sa kanyang girlfriend balang araw.

Samantala, marami rin ang naniniwala na may espesyal nang relasyon ang dalawang stars ng tumatakbong primetime series, ang “Dirty Linen”.

Paco sandaling umuwi para sa isang business

PacoPaco1INTROVOYS frontman, original member and co-founder Paco Arespacochaga was in town for a week’s business and vacation trip along with his third and present wife (of ten years) na si Janelle Aguirre.

Paco whose full name is Enrico Luis Victor Santos Arespacochaga married singer, actress and dancer Geneva Cruz in 1995 when they were both at the peak of their respective careers. Nagkaroon sila ng isang anak, si Heaven Arespacochaga (27) na nagmana ng talent ng kanyang equally popular parents.

Si Heaven ay sa California, USA na rin naka-base and lives independently from his US-based father na si Paco and his family.

Introvoys was one of the most popular bands in the `80s and mid-`90s. It was in 1996 when Paco decided to leave the band. The following year, he put up Mystery Band with Marvin Yrastoza on vocals, Joseph Cruz on keyboards, G3 Misa on guitar, Mark Cruz on bass at si Paco on drums. Pero tumagal lamang ang banda sa loog ng halos tatlong taon. In 2000, may binuo na naman siyang banda, ang Skin Band with Norby David on vocals, Jonathan Manuel on guitar, Henry Abesamis on Keyboard pero hindi ito nagtagal.

It was in 2000 when he released his first solo album, “Rebirth” under Star Records. Ito’y sinundan ng reunion concert ng Introvoys which brought them to the US for a concert tour. Kasunod na rito ang kanilang pag-migrate sa Amerika nung 2001.

While in the US, Paco married Tiny Ambrosio at nagkaroon sila ng isang anak, a son na si Caelen now 14 years old. They lived together for almost ten years at nagkahiwalay. Then he met Janelle Aguirre who is 16 years his junior. Janelle has a 14-year-old son na si Chace sa dating karelasyon kaya madalas napapagkamalang kambal ang anak niyang si Caelen at Chace dahil magkasing-edad ang dalawa. Together, sina Paco at Janelle ay may dalawa na ring anak sina Raiden (1) at Cassidy (8).

Paco and Janelle lived together since 2013 but it was only on June 1, 2017 nang mag-desisyong magpakasal ang dalawa.

Janelle is both close to two of Paco’s ex-wives na sina Geneva at Tiny ganoon din sa kanilang mga anak.

In my recent meet-up with Paco, he promised na si Janelle na umano ang huling babae sa kanyang buhay, a promise he made in front of his wife.

Samantala, inamin sa amin ni Paco na hindi naging madali ang kanyang buhay sa Amerika dahil nung umapisa ay wala pa umano siyang proper documents to work legally. Kaya namasukan siyang stock room boy, nagdadala ng mga boxes mula sa bodega hanggang sa showroom shelf ng isang beauty company. Nang makuha na niya ang kanyang mga dokumento, namasukan siyang cashier sa isang electronic store.

Pero ngayon ay self-employed na umano siya and still active in doing shows and concerts with the Introvoys na lahat na nag-migrate sa Amerika.

Bela nagkaroon ng oras para kina Angelica at Kim

AngelicaU.K.-based writer, actress, director and movie producer Bela Padilla is currently in town to promote her upcoming and first Metro Manila Summer Film Festival movie, “Yung Libro sa Napanood Ko” which she stars, wrote, directed and co-produced with Viva Films under her own Whiskey Marmalade Productions.

During this time, nagkaroon siya ng pagkakataon to get reunited and bonded with her showbiz close friends na sina Angelica Panganiban at Kim Chiu. Ang tatlo ay huling nagkita-kita sa binyag ng anak ni Angelica sa kanyang fiancé na si Gregg Homan na si Amila Sabine kung saan kasama sila sa mga tumayong godparents ng bata.

Malamang sa kasal nina Angelica at Gregg tiyak na magiging bahagi rin ang dalawa sa mga tatayong secondary sponsors.

Kung masaya sina Bela at Kim for their friend na si Angelica at fiancé nitong si Gregg, masaya rin si Angelica sa kanyang dalawang kaibigan na sina Bela at Kim with their respective boyfriends na sina Norman Ben Bay at Xian Lim.

Si Norman ay isang Swiss-Italian national na nakilala ni Bela while filming the movie “Meet Me in St. Gallen” nung 2017 habang si Xian ay matagal nang kasintahan ni Kim after her break-up with actor Gerald Anderson.

Masaya rin si Angelica for her other friend, ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro na nag-asawa na rin sa kanyang Irish businessman husband na si David Rainey.

Ang iba pang close showbiz friends ni Angelica include Dimples Romana, Anne Curtis, Angel Locsin at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE