Seth good vibes ang hatid sa gitna ng mga intriga
GOOD vibes at chill lang ang hatid ng socmed post ni Seth Fedelin, bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “My Future You,” sa gitna ng paglalagay-kulay at pang-iintriga sa nominasyon (for Best Actor) at tagumpay niya (Breakthrough Performance) sa katatapos na Gabi ng Parangal.
Sa kanyang Instagram post ay inisa-isa ng other half ng FranSeth tandem (Francine Diaz at Seth) ang mga hirap na pinagdaanan bago nakamit ang isa sa kanyang mga pangarap.
Ani Seth, “Pumila ng humigit isang araw, divan ako nag simula. Sa totoo lang, mahirap ang mangarap dahil maraming bagay ang pwede mong makasalubong sa daan, hindi mo din alam kung ano ang maaaring mangyare sa darating na bukas.
“Malaking pasasalamat sa nasa Itaas. Sa pag setup ng aking dadaanan, sa paglagay ng mga tao na aking makakasalubong sa daan at makakasama, sa paglagay ng alon sa dagat na kalma, dahil doon natututo akong pumadyak at sumabay sa agos ng buhay.”
Isa-isa ring pinasalamatan ng binata ang mga taong tumulong para marating ang kinaroroonan niya ngayon.
“Una sa lahat sa pamilya ko maraming salamat sa suporta, pag-unawa, pagmamahal. Napakalaking parte kayo ng pangarap ko, dahil sainyo nagkakaroon ako ng lakas. Sa @abschn at @starmagicphils sa tiwala at pagmamahal. Sa @dreamscapeph sa pagbigay pagkakataon ipakita ang talento ko. Sa mga taong nakasama ko nung nag sisimula palang ako kayo unang nagtiwala saakin. Sa mga taong nakasuporta sa simula palang mga taong nagmamahal at gusto akong makilala at maging kaibigan, sa mga nagpupuyat, bumabyahe, naghihintay, at gumagastos para lang makita ako malaking parte kayo sa pangarap ko, alam ko pag masaya ako masaya din kayo.
“Sa @regalfilms50 dahil sa pagbibigay ng pagkakataon para ipakita namin ang talento namin at higit sa lahat sa pag kamit ng isa sa mga pangarap namin. Sa mga taong kasama namin bumuo ng MyFutureYou @roselle monteverde @k.monteverde @johnling75 @examiner07 maraming salamat po.
Sa lahat ng bumubuo ng @mmffofficial maraming salamat po sa pagkilala ng ‘My Future You.’
“Sa mga kalahok na Pelikula at mga aktor at aktres malaking pagbati po para sainyo. Isa rin po kayo sa hinahangaan ko at ini-idolo ko.
“Sa mga nag mamahal saamin ni chin, mahal namin kayo. Dahil sa pagmamahal niyo matibay ang Franseth.
“Hindi ko din makakalimutan ang kasama ko sa pagkamit ng pangarap ko. @francinesdiaz salamat dahil sinamahan mo ako kahit mahirap at magulo. Sa pagtiwala na kaya ko ang isang bagay, hindi ko makakalimutan lahat ng oras na andyan ka. Ngayon hindi na pangarap ko kundi pangarap na natin.
Ipagmamalaki ko ito, congrats my best friend, bilib ako sayo.
“Hindi ko malilimutan ang pangyayare ito sa buhay KO.
“Maraming salamat po,” pagtatapos ni Seth.