Seth

Seth, dedma sa ibang mga babae … fans ng SethDrea, nakampante sa isyung Francine

January 25, 2022 Vinia Vivar 397 views

Sa gitna ng mga ispekulasyon na may namumuong relasyon kina Seth Fedelin at Francine Diaz, nagbigay ng mensahe ang young actor sa nag-aalalang fans nila ni Andrea Brillantes.

“’Eto ha, gaya ng sinabi ko kagabi, SethDrea will conquer the world, okay? At siguro naman sa sinabi ko na ‘yun, nasagot ko na ang tanong n’yo,” pahayag ni Seth sa isinagawang online donation drive event sa KUMU called Isang Daan Sa Pagtutulungan.

Ang nasabing fundraiser ay para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Dagdag pa ni Seth, “Siyempre, SethDrea is forever.”

Kinilig naman ang SethDrea fans sa sinabi ng young actor at may nagkomento nga na makakatulog na siya nang mahimbing ngayon at nagpasalamat sa sinabi ni Seth.

Nagpaunlak din ang batang aktor nang may fan na magtanong kung anong pinakakilig message niya na ipinadala sa isang girl.

Sagot ni Seth, “’Eto ang tinext ko: ‘Tapos na ako kumain, kakarating ko lang ng bahay, tapos na ako kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom.”

Kinantiyawan na agad siya ng mga kasamang sina Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jameson Blake at mga host na sina Alora Sasam at Darla Sauler.

Pero ani Seth ay hindi pa tapos ang text niya.

“’Eto, sabi ko lang naman, ayun, ‘gusto ko lang uli ipaalala sa ’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay.’ ’Yun lang naman ang sabi ko sa kanya at naiintindihan na niya ‘yun.

‘Yun. ‘See you sa nalalapit nating Lyric and Beat and ‘yun, let’s conquer the world,’” sey ni Seth.

Pakengkoy pa niyang mensahe, “I mitt (miss) you!”

Obviously, si Andrea ang babaing pinatutungkulan ni Seth dahil ang Lyric and Beat ay ang upcoming musical series nilang dalawa.

Sey pa niya, “Alam na nila kung sino ‘yun. Sino pa ba ang kasama ko sa Lyric and Beat?”

Isa pang pakilig ni Seth ay nang matanong sila kung ano ang pick-up line na ginagamit nila kapag gusto nilang makipagkilala sa girl.

Ang unang sagot ni Seth ay “Hi” daw ang sasabihin niya pero maya-maya ay binawi niya ito at aniya, bawal daw siyang mag-‘hi’ sa iba.

“Dedma lang (sa ibang girls). Siyempre, isa lang ang gusto ko,” sambit ni Seth.

Asked kung sino ang nagbabawal, sagot ni Seth, “Wala, hindi siya nagbabawal, gusto kong ginagawa. Pagkukusa.”

’Yun na!

So, siguro naman, makakampante na ngayon ang SethDrea fans sa mga sinabi ni Seth.

AUTHOR PROFILE