Seth, boto sa KyleDrea partnership
Kahit hindi na masyadong nagkikita sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, aware naman ang aktor na kagagaling lang sa breakup ng ex-girlfriend/loveteam.
Pero siyempre ay hindi raw niya alam ang buong kwento kaya ayaw na rin niyang mag-comment pa.
Ang wish na lang ni Seth ay makatagpo si Andrea ng tamang lalaking magmamahal sa kanya.
“Hindi ko naman alam ang buong kwento kaya hindi ako magsasalita nang patapos. Pero sana, mahanap niya ‘yung lalaki talagang magpapasaya para sa kanya,” pahayag ni Seth nang makatsikahan ng ilang entertainment press sa isang event recently.
Asked kung nalungkot siya for Andrea, aniya ay sumagi lang sa isip niya kung ano kaya ang nangyari.
Wala na raw silang communication pero ‘pag nagkikita naman sila sa ABS-CBN o sa mga event ay nagbabatian sila.
Natanong din siya kung happy ba siya na reunited ang loveteam nina Andrea at Kyle Echarri.
Sey ni Seth, “Opo, support ako sa KyleDrea. Sila naman talaga, bago magka-SethDrea, KyleDrea po ang nandiyan, eh. Happy ako na sila ang nagka-pair kesa iba ang maka-partner ni Kyle, iba ang maka-partner ni Blythe, mas better na silang dalawa.”