Serena ikinasal na

October 4, 2022 Aster Amoyo 164 views

IKINASAL na ang award-winning former child star, ang Fil-American na si Serena Dalrymple sa kanyang Scottish-American fiancé na si Thomas Bredillet last Sunday afternoon, October 2 sa isang outdoor garden wedding in Hampshire, USA kung saan sila ngayon naka-base.

The couple met through a dating app in 2018.

Bago nagpakasal, nag-post si Serena sa kanyang Instagram page:

2018 – when we first met, also visited the Philippines and we went to Banff.

2019 – we bought a home and moved from New York to New Hampshire!

2021 – we got engaged (ring emoji)

2022 – we are getting married next week!! (two heart emojis).

Si Serena ay na-discover sa isang hit TV commercial ng isang popular food chain when she was seven years old. Ito ang kanyang naging pasaporte para mapasok niya ang mundo ang showbiz bilang child actress.

It was in 1998 nang gawin niya ang pelikulang “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” na dinirek ng premyado at veteran director na si Chito Rono at tinampukan nina Vilma Santos, Ariel Rivera, Albert Martinez, Raymond Bagatsing, Carlo Aquino at iba pa. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay kay Serena ng limang acting awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Tinanghal siyang Best Child Actress ng FAMAS in 1999 na sinundan ng Best Supporting Actress mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, New Movie Actress of the Year ng Star Awards for Movies, Best Supporting Actress mula sa FAP (Film Academy of the Philippines) at Best Actress mula sa Young Critics Circle (YCC) all for the movie “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?”.

Nakagawa rin si Serena ng ilang TV series tulad ng “Wansapanataym,” “Sa Dulo ng Walang Hanggang,” “Eto Na Ang Susunod na Kabanata” at “Sana’y Wala Nang Wakas”.

She announced her retirement from showbiz in 2004 to focus on her studies pero dalawang beses siyang bumalik in 2008 and 2010 para gawin ng sequel ng pelikulang “Ang Tanging Ina Niyong Lahat” at “Ang Tanging Ina Nyo (Last Na `To)” na parehong pinangunahan ni Ai-Ai de las Alas.

Si Serena ay nagtapos ng Export Management course sa De la Salle –College of St. Benilde and took her master’s in Business Administration in Hjult International in London in 2014. Since then ay nagpalipat-lipat siya from Los Angeles, California to New York, USA and finally moved to New Hampshire with her husband now na si Thomas kung saan sila nakabili ng bahay in 2019.

Tinalikuran man ni Serena ang kanyang acting and showbiz career to settle in the US, she will always have fond memories nung mga panahong aktibo pa siya sa industriya.

Sarah

Sarah may bagong kanta, Popsters excited na

MAY teaser ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo na meron siyang bagong song (and album?) na nakatakdang lumabas this month na pinamagatang “Kailan Makakasama Muli?” under Viva Records, her record studio since she started her showbiz career .

Natuwa ang mga Popsters (loyal fans of Sarah G) sa balitang na ito ng misis ni Matteo Guidicelli at umaasa rin ang mga ito na regular na rin nila itong mapapanood sa “ASAP Natin `To” and eventually, sa isang bagong movie.

Boy si Baby N nina Rocco at Melissa

BABY boy ang magiging first baby ng celebrity couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing-Nacino na nakatakdang isilang anyday soon.

Last month ay dalawang beses nagkaroon ng baby shower ang mag-asawa.

Tiyak na magiging kakaiba ang kanilang celebration ng Pasko at Bagong Taon dahil makakasama na nila ang kanilang Baby N.

DesireeDesiree1

Unang baby nina Desiree at Boom nabinyagan na

NABINYAGAN na ang unang baby ng mag-asawang Desiree del Valle at Anthony `Boom’ Labrusca na si Alexander Sebastian Dunham Labrusca last Sataurday, October 1 sa St. Paul the Apostle Parish in Mother Ignacia, Quezon City.

The celebrity couple got married on January 14, 2018 sa South Lake Tahoe City in the US and gave birth to their first baby on October 4, 2021.

Ang actor na si Boom ay may 27-year-old son, ang Fil-American actor na si Tony Labrusca sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Jones.

Sue at Mayor Javi long distance ang relationship

ANG actor-turned politician na si Javi Benitez ang boyfriend ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez. Magmula nang pasukin ni Javi ang larangan ng pulitika ay hindi na regular ang kanilang pagkikita and are now maintaining a long-distance relationship. Si Javi ang bagong mayor ngayon ng Victorias City in Negros Occidental kaya doon na ito. naka-base ngayon habang nasa Maynila naman si Sue. Pero dahil sa constant communication ay nagwu-work naman sa dalawa ang kanilang LDR arrangement.

Minana ni Javi ang pagiging politician ng kanyang businessman dad na si Albee Benitez na huminto na sa kanyang political career para harapin ang pagiging businessman nito.

Pagdating naman kay Sue, hindi maikakaila na biggest break sa kanya ang “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng hit BBC drama series na “Doctor Foster” na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumatanggap ng iba’t ibang parangal.

Kasalukuyang ginagawa ni Sue ang bago niyang serye sa ABS-CBN, ang “Iron Heart” na comeback TV series ni Maja Salvador sa Kapamilya channel. Kasama rin sa serye sina Richard Gutierrez at Jake Cuenca.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE