Isko

Serbisyo vs COVID-19 sa Maynila libre na

January 27, 2022 Jonjon Reyes 241 views

ABOT kamay na ng mga Manileño at maging ng publiko ang libreng gamit ng ambulansiya, anti-COVID-19 medicines, at home service vaccination na iniaalok ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor at presidential candidate Isko Moreno Domagoso, simple lamang ang gagawin para makatanggap ng mga naturang serbisyo – tumawag lamang sa mga hotline numbers: 09150656335; 09954966176; 09610627013; 09616281414; 09608229384; 09777297572 at landline nos. 89262385; 89262380 at 89262383, at ihanda ang mga kakailanganin na dokumento.

Ayon kay Moreno ginawa lamang simple ang mga requirements para hindi na mahirapan pa ang mga nangangailangan na pasyente o mamamayan.

“Hindi po kami namimili ng tutulungan. Let us all set aside our political differences for the common tao. You’ll never know kung sino mangangailangan,” ani Moreno.

Nabatid na unang ma-avail ang naturang serbisyo na libreng gamot dapat lamang isumite kay Manila Health Dept. Chief Dr. Poks Pangan ang mga sumusunod: name, address, at contact number, copy of doctor’s prescription o ‘reseta’, waiver na pirmado ng doktor at pasyente kasama ang RT-PCR result na nagpapakita na positibo sa COVID-19.

Habang pupuntahan naman ni Lacuna ang mga hindi kayang pumunta sa vaccination site para mabakunahan kasama si Rep.Yul Servo.

Sa kasalukuyan, nasa 140% na ang population protection ng Maynila o mga nabakunahan at hindi pa rin sila humihinto sa pagkumbinsi sa publiko na magpabakuna. Nina Jon-jon Reyes, C.J Aliño & Itchie G. Cabayan

AUTHOR PROFILE