
Serbisyo ni Dizon damang dama ng Manilenos
DAHIL sa kasipagan at walang tigil na pag iikot ng tinaguriang “The Game Changer General” MPD Chief Police Brigadier General Andre P Dizon sa Lungsod Ng Maynila, patuloy na mapayapa at tahimik ang kapital ng Pilipinas..
Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO), nasa 60 suspek na may kaugnayan sa bawal na gamot ang isinelda ng MOD.
Nasa 162.03, gramo naman ng Marijuana at 4 gramong Kush na aabot sa halagang humigit kumulang sa P 1,109,124 ang halaga ng mga ito.
Sa mga iligal gumbling naman, nagkakahalaga ng P27,000 bet money at 35 suspek ang inaresto sa mga Wanted Persons.
Nasa 19 na iba’t ibang uri ng baril din ang nakumpiska, kabilang ang loose firearms.
Inaresto din ang mga lumabag sa ordinansa ng Maynila tulad ng no smoking.
Nagreport din ang Manila District Traffic Enforcement Unit na umabot sa 35 ang natikitan na tsuper dahil lumabag sa batas trapiko. trapiko.
“The Manila Police District is committed to a proactive brand of policing and will be tenacious in our anti-criminality campaign to ensure public safety and public order in the city of Manila,” pahayag ni General Dizon.