MRT3

Serbisyo ng PNR, MRT-3 naantala

November 2, 2022 Jun I. Legaspi 150 views

MAGKAHIWALAY na naantala ang serbisyo ng Philippine National Railways at Metro Rail Transit 3, matapos parehong magkaaberya Miyerkules.

Sa opisyal na pahayag ng PNR sa kanilang social media account tinatayang 500 PNR passengers ang naapektuhan ng insident.

Nagbalik normal operasyon ito matapos madiskaril ang tren sa may Sta. Mesa, Manila.

Balik normal operasyon na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) sa rutang Tutuban papuntang Alabang, Bicutan, Biñan at vice versa.

Ayon sa mga awtoridad lumambot ang lupa sa riles sa may Magsaysay Crossing malapit sa Sta. Mesa Station na sanhi ng Bagyong Paeng at ilang araw na pag-ulan.

Agad na nagsagawa ng re-railment ang PNR sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ballast sa mga apektadong riles.

Naibalik ang normal operations bandang 8:00 ng umaga matapos ang re-railment at testing.

Anim na biyahe ang naapektuhan: apat papuntang Alabang, Bicutan, at Biñan at dalawa papuntang Tutuban.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng MRT-3 management 5:12 am., Martes nagsagawa sila ng temporarily suspension ng operation dahil sa abnormal signaling sa kahabaan ng Shaw Blvd station.

Lahat ng trains sa kalapit na station ay stopped operations bilang precautionary measure habang isinaayos ng mga technicians ang problema sa signaling isyu.

6:52 a.m., nagmagbigay ng go signal ang Control Center na naayos na ang signaling systems. 6:58 a.m., ng magbalik operasyon na ang MRT3. Humingi ng paumanhin ang management ng MRT3 dahil sa insidente.

AUTHOR PROFILE