Andrew

Sense of humor ni Andrew E, nakaka-turn-on — Sunshine

September 14, 2021 Ian F. Fariñas 84 views

KUNG ang Viva talent at Pambansang Braless na si Sunshine Guimary ang tatanungin, nakaka-turn-on daw ang kakaibang sense of humor ng rap icon na si Andrew E.

Sinabi ito ni Sunshine sa virtual mediacon para sa unang pelikula na pinagbibidahan nila ni Andrew kasama ang VMX Crush na si AJ Raval, ang Vivamax original na Shoot! Shoot!: ’Di Ko Siya Titigilan! directed by Al Tantay.

Sey pa ng Cebuana beauty, dati pa niyang idolo si Andrew kahit noong panahon na wala pa siya sa show business.

Kakaiba raw talaga ang original singer ng monster hit song na Humanap Ka ng Panget dahil whole package ito at halos lahat ng katangian ay nasa kanya na.

Sa istorya, ginagampanan ni Andrew ang karakter ni Jack, isang small town guy na ang ultimate dream ay maging artista.

Pagkatapos sumabak sa maraming auditions, nakalusot si Jack para sa papel ng isang tagapagmana ng mayamang kamag-anak.

Habang nagre-rehearse ng kanyang mga linya, maririnig ng isang kapitbahay ang dialogue niya tungkol sa minanang $100 billion. At doon na magsisimula ang misadventures sa buhay ni Jack nang akalain ng buong barangay na isa na siyang bilyonaryo.

Para kay Andrew, malaki ang pasasalamat niya sa Viva bosses at kay Direk Al sa pagtitiwalang ibinigay ng mga ito na magbida siya sa Shoot! Shoot! kasama ang dalawa sa sikat na Viva goddesses ngayon.

Nanliliit nga raw si Andrew tuwing mapag-uusapan sina AJ at Sunshine dahil aniya, pinagkakaguluhan ang dalawa sa social media ngayon.

“I’m in disbelief,” dagdag ni Andrew, “’di ako makapaniwala that a more than promising young lady will be partnered with me, much more may kissing scene pa kami.”

Ang nasabing eksena ng tukaan nina Andrew at AJ ang isa sa pinaka-highlight ng trailer ng Shoot! Shoot! na sa ngayon ay may mahigit nang eight million views.

“Hindi naman siya (AJ) naospital, so okay naman siya. So, ’yun lang,” reaksyon ng rapper-comedian nang tanungin tungkol sa nasabing kissing scene.

Para naman kay AJ, aminado siyang kabado siya nu’ng una na makatrabaho ang isang Andrew E.

Iconic daw kasi ito kaya kinabahan siya, lalo na nang kunan ang kissing scene nila sa first day pa lang ng lock-in shooting.

“Okay naman po, comfortable naman po ako kay Kuya ’Drew. Parang mas naging close po kami after (kunan ang kissing scene),” bawi ni AJ.

Inayunan ito ni Sunshine na nagsabing, “Hindi mahirap i-kiss si Kuya Andrew.”

Anyway, magkakaroon ng premiere ang Shoot! Shoot!: ’Di Ko Siya Titigilan! sa October 1 sa Vivamax Plus habang ang regular streaming ay magsisimula sa October 8 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe.

AUTHOR PROFILE