Lacuna

Seniors, PWDs, atbp. nagpasalamat kay Lacuna

May 18, 2022 Jonjon Reyes 101 views
Lacuna1
Sa isang panayam kay Lorenz Tanjoco ng RP1, sinabi ni Lacuna na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga proyekto ni outgoing Mayor Isko Moreno. Kilala si Lacuna sa pagiging matulungin at malapit sa mga mahihirap at naaapi lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan.

LUBOS ang pasasalamat ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at iba pang mga beneficiaries sa lungsod kay Manila Mayor-elect Honey Lacuna dahil itutuloy nito ang mga proyekto ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno.

Sa isang panayam kay Lorenz Tanjoco ng RP1, sinabi ni Lacuna na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga proyekto ni Moreno.

Bukod sa mga nasimulang mga proyekto, sinabi rin ni Lacuna, na isa ring doktora, na magdadagdag siya ng mga proyektong malapit sa kanyang puso at makakatulomg sa mas marami.

Maliban aniya sa mas maraming ospital at pabahay, patuloy na allowance ng iba’t ibang sektor sa Maynila ay plano niyang bigyan ng masisilungan ang mga walang matuluyan sa lungsod.

Ito aniya ay isang gusali kung saan pwedeng matulog tuwing gabi at babakantehin naman tuwing umaga.

Kilala si Lacuna sa pagiging matulungin at malapit sa mga mahihirap at naaapi lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan.

Magiging katuwang ni Lacuna sa paglilingkod sa mgga Manilenuo at pagpapatuloy ng mga programa ni Moreno ang kanyang ka-tandem na si incoming Vice Mayor Yul Servo sa ilalim ng kanilang kampanya, “Walang magmamalasakit sa ating mga Batang Maynila kundi tayo ring mga kapwa Batang Maynila.” Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE