Senglot nilamon ng dagat
ISANG lasing na construction worker ang nalunod nang tumalon sa dagat sa Bgy. Sampaguita, Bauan, Batangas noong Linggo ng madaling-araw.
Kinilala ng mga pulis ng Bauanang nalunod na isang 18-anyos na obrero ng Bgy. Sampaguita.
Bandang alas-2:00 ng madaling-araw ng Setyembre 24, 2023 nakatanggap ang duty radio operator ng tawag tungkol sa nalunod.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng isang saksi na nakilala lang na Valdez na dakong alas-1:40 ng madaling araw nang magka-yayaan silang mag-spearfishing ng biktima.
Nang nasa laot na sila, napansin ni Valdez na lasing ang ang nalunod.
At ilang sandali pa, tumalon ito mula sa bangka na humigit-kumulang 50 metro ang layo mula sa pampang.
Matagal umanomg nawala sa paningin ng kasama at kinalaunan ay lumutang at agarang sinagip ang walang malay na lalake.
Mabilis na isinugod sa Bauan Community Hospital ang lalaki pero idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Winston Ilagan.
Hypoxia ang ikinamatay ng biktima, ayon sa doktor.