Posas

Senglot nagpaputok ng sumpak timbog

November 20, 2023 Steve A. Gosuico 75 views

TALUGTUG, Nueva Ecija–Inaresto ng mga pulis ang isang lasing na magsasaka dahil sa pagpapaputok ng improvised shotgun (sumpak) noong Linggo sa bayang ito.

Ayon kay Nueva Ecija police information chief Captain Franklin Sindac, nakipag-away ang 53-anyos na suspek sa kanyang 38-anyos na babaeng kapitbahay kaya nagpaputok ng baril na aksidenteng tumama sa bahay ng isa pa niyang kapitbahay.

Nangyari ang insidente dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Sasampahan ng kasong grave threats at paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines at Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act) ang suspek sa provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.

AUTHOR PROFILE